KUNG gugustuhin nitong si Jamie Rivera na kilala sa tag na “Inspirational Diva” na huwag nang tumanggap ng show ay super puwede at can afford nang magbuhay- donya. Yes kilalang building contractor sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng Mega Manila ang husband ni Jamie na si JB Mendoza na dating doctor of medicine. May dalagita na ang mag-asawa si Raine Mendoza na ipinakilala na ng kanyang Mommy Jamie sa publiko dahil sinusundan nito ang kanyang yapak bilang singer.
Ilan sa mga pinasikat na awitin ni Jamie ay ang Hey It’s Me, Mahal Naman Kita, Sa’Yo Lamang, Heal Our Land na parehong inspirational songs at marami pang iba. Siya ay nakakontrata sa Star Music.
PINAY DJ-MUSICIAN TATANGGAP NG PARANGAL SA 17th GAWAD AMERIKA AWARDS
KASAMA sa gagawaran ng bagong parangal ang indemand na musician-dj sa Osaka Japan si Ms. Liza Javier sa 17th Annual Gawad Amerika Awards. Nakaapat na pala ang friend naming Diva sa said award giving body. At ngayong Agosto 16 ay tutulak na papuntang America si Liza upang muling personal na tanggapin ang kanyang award bilang “Mrs. Gawad Amerika” na gaganapin ngayong Agosto 18 sa Celebrity Centre International Hollywood, California at isang araw bago ang awarding ay gaganapin naman ang press conference cum Dinner and Dance sa Agosto 17 sa Filipino Cultural Center Temple St, Los Angeles California at dadalo rin dito si Liza. We heard, na marami ang may gusto at nag-aagawan sa award na ito ni Ms. Liza kasi consider na ikaw na ang Reyna ng Gawad Amerika. At lahat ng iba’t ibang parangal na tinanggap ay inihahandog ng nasabing singer sa kanyang pamilya at fans na todo ang suportang ipinagkakaloob sa kanyang dalawang show sa Internet na “Kalye Solutions” at “Beauty Live” na parehong napakinggan worldwide. Tine-treasure pala nito hanggang ngayon ang pagkikita nila noon ng Hollywood singer na si David Fomeranz sa Gawad Amerika. Hanga raw siya sa pagiging humble nito na pinagbigyan silang makapagpa-picture rito.
Comments are closed.