JAMITO SA MERALCO NA

on the spot- pilipino mirror

HALOS dalawang taon din si Raymond Jamito sa kampo ng Barangay Ginebra. Sa unang pagkakataon ay na-trade ito sa Meralco Bolts. Oks lang lay Jamito ang pagkakalipat dahil kahit papaano ay magagamit siya ni coach Norman Black unlike noong nasa Kings siya na reserve lang siya. Sana nga ay ito na ang simula ng magandang takbo ng kanyang career. At sana, mahasa ang laro ni Jamito na produkto ng St. Claire School.



Bagama’t hindi nakaabot si NBA player Jordan Clarkson sa laro ay nanalo ang Filipinas laban sa Kazakhstan, at tambak pa ang iskor, 96-59. Dumating si Clarkson sa 3rd period na ng laro, umupo na lang ang mama sa bench ng team para suportahan ang kanyang teammates.  Gumawa ng 18 points si Stanley Pringle, may 15 puntos naman si Fil-German Christian Standhardinger, si James Yap ay nag-ambag ng 12, habang si Paul Lee ay gumawa ng 10 points. Kitang-kita na very inspired ang players ni coach Yeng Guiao. Sa next week ay makakasagupa ng Gilastopainters ang China.



Dahil sa pagdating ng Fil-Am Cleveland Cavaliers player sa tropa ng National team ay tinanggal na si Don Trollano ng TNT Ka tropa sa lineup. Hindi na rin pinadala sina Kobe Paras at Ricci Rivero na kapuwa nasa  Cadet Gilas. Oks naman kay Trollano, very proud na kahit sandali ay napabilang  siya sa team Gilas.



Congratulations naman sa grupo nina ex-PBA at MPBL player at actor Mark Andaya, ex-PBA at UST player Khasim Mirza at actor Andrew Gan Calupitan.

Tuwang-tuwa ako kay Andrew na sa ­unang pagkakataon ay nakita kong maglaro ng basketball, sa HCon 3X3 na ginawa sa World Trade Cen­ter. Team nila  ang nag-champion. Mahusay siya, may shooting at depensa laban sa anim na koponan na lumahok. Lahat ay tinalo nila. Si Andaya ay naglalaro pa rin sa MPBL, si Mirza naman ay abala sa pagpapalipad ng eroplano. Ayon nga sa kanya, itutuloy niya ang kanyang pag aaral. Si Andrew naman ay patuloy na hahasain ang paglalaro ng basketball at ang kanyang acting at singing career. Good luck sa inyong tatlo.

Comments are closed.