‘JAMS TOP MODEL 2018’ SUPORTADO NG PBA

JAMS TOP MODEL 2018

LABIS ang pasasalamat ng Jams Artist Production na naging bahagi sila ng PBA noong nakaraang linggo kung saan ang ilang kandidata ng Jams Top Model 2018 ay nagkaroon ng pagkakataon na rumampa sa gitna ng hardcourt na ginawa sa Cuneta Astrodome.

Nagkaroon ng kinatawan ang bawat category, mula 1 hanggang 3, sa pag­rampa sa court na pinaglalaruan ng mga PBA player.

Laking pasasalamat nina CEO/ President Maricar Moina at Jojo Flores kay PBA Commissioner Willie Marcial sa pagsuporta sa Jams Top Model 2018.

Gaganapin ang grand gala night ng Jams Top Model 2018 sa darating na November 19, alas-6 ng gabi, sa Mall of Asia Arena.

Ang Jams Top Model 2018 ay suportado ng One Stop Soap, Trilodent Gold, Chancellor 9000, Vaniteeth Dental Solutions Clinic, The scents and oil hop, Sitio Elena (event’s venue), Sign Rays Advertising Inc., Gold Driver Beauty Spa, Ramon Favila Designs inc, Stand One Production, Healthy Meals PH,  Araneta Steak House, Rain or Shine, Pinas Fm, PILIPINO Mirror, BusinessMirror, Ripples Daily, 1FM, Asenso Pinoy TV, at PBA.

Sa bawat category, ang magkakampeon ay tatanggap ng P150,000; 1st runner up, P100,000 at 2nd runner-up, P50,000. May ilang  sponsors ang pipili ng kani-kanilang Ambassador sa mga kandidara.

Comments are closed.