HAPPY na ngayon ang estado ng buhay ni Janella Salvador, mapakarera man o lovelife.
Sa ngayon, mas gusto raw niya na walang permanenteng ka-love team para walang kumplikasyon.
Sa pagsosolo niya, masaya siya na nabibigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang ibang aktor.
Aminado siyang naging malaking challenge sa kanya at sa kanyang karera noon ang pagkakaroon ng ka-loveteam kung saan nagkaroon siya ng personal attachment dahilan para mag-suffer din ang kanyang trabaho at personal na buhay.
“As much as possible, ayokong magkaroon ng love team. It doesn’t do me any good. Sa nangyari sa akin before, it was like a long patch for me. Naging challenge siya sa personal life ko. Napagdaanan ko talaga siya. At a certain stage of my life, kailangan ko talaga siyang pagdaanan para ngayon mas alam ko na kung ano ang gagawin ko kapag nandoon ako sa sitwasyong iyon. I know how to handle my life better. Actually, ganoon naman talaga, minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Alam ko na may mga darating pang challenges but it there’s one thing I learned, I have to be prepared kung anuman ang problemang darating,” paliwanag niya.
Hirit pa niya, hindi pa raw siya handang makatrabaho ang dating loveteam partner na si Elmo Magalona pagkatapos ng kanyang pinagdaanan.
“As of now, no! Happy na naman siya, happy na rin ako. Pero as of now, no. I’m very happy with what’s happening in my life,” saad niya.
Masaya siya sa kanyang inspirasyon sa katauhan ni Markus Paterson na tanggap ng kanyang mga magulang.
KARLA ESTRADA UMAMIN NA SA BOYFRIEND
PAGKATAPOS ng kanyang matagal na pananahimik, inamin ni Karla Estrada ang kanyang relasyon sa kanyang non-showbiz boyfriend sa kanyang morning show na Magandang Buhay kung saan isiniwalat niya sa kanyang co-hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ang tunay na estado ng kanyang puso.
Sey niya, happy siya sa kanyang current partner na nakasama niya sa kanyang recent trip sa Japan.
“I can say that this is my happiest,” ani Karla. “Bukod sa last year na kasama ko ‘yung mga anak ko [sa Japan], ito yung pinakamasaya na kasama ko ‘yung partner ko,” dugtong niya.
Bagama’t hindi niya ipinakilala ang pangalan nito, proud nitong ibinando na deserving ito ng kanyang pagmamahal.
“Deserve naman [na ipakilala siya on national TV]. He’s a very good man!” giit niya.
Masaya rin si Karla dahil tanggap ng mga anak niya ang lalakeng nagpapaligaya at nagbibigay ng inspirasyon sa kanya ngayon.
Comments are closed.