Mayayabang at walang malasakit ang tawag ni Janella Salvador sa mga Filipino na ayaw manood ng Filipino movies.
Aniya, nakaka-disappoint tala ang mga Pinoy na walang malasakit sa kapwa Pinoy. Kung iniisip umano nilang sobra na silang magagaling para sa Pilipinas, aba, nagkamali sila ng bansang kinapanganakan. Sa susunod nilang buhay, dapat umano ay pumili sila ng gusto nilang nationality.
Kung disappointed raw ang film producer na si Richard Juan sa isang kakilalang nagsabi sa kanyang hindi ito nanonood ng local film, mas lalo na siya, dahil nasaksihan niya ang pagsusumikap ng mga Filipino actors para makilala ang Pilipinas sa buong mundo, at maipagmamalaki niyang napakaraming Pinoy at Pinay ang nakapasok sa standards ng mahuhusay na artista.
Nakakahiya umano ang mga Filipino na mas gugustuhing panoorin ang mga basurang pelikula ng banyaga kesa mga pelikulang Filipino.
May mga Pinoy daw kasi na iniisip na “they are too good for local films”. Pero akala lang nila yon. Arogante lang umano sila at mayabang, sabi pa ni Janella.
Pero challenging umano ito sa mga artista at film producers. Bakit umano nila papansinin ang mga walang malasakit gayong meron namang nagmamalasakit? Sabi pa ni Janella, hindi lahat ng Hollywood films ay maganda. Makikitid lamang ang utak ng iba kaya iniisnab nila ang mga local films. Pwede rin umanong maging international film ang Filipino film at iilang beses na natin itong apatunayan.