UMAPELA ang singer-actress na si Janella Salvador kaugnay ng pamba-bash na natatanggap ng kanyang “So Connected” screen partner na si Jameson Blake mula sa ElNella fans.
“Naiintindihan ko naman if they’re rooting for people to be together, pero, sana, in the process, wala lang masaktan, especially sa social media. Sana lang, we don’t have to say harsh words,” pakiusap niya.
Na-bash kasi si Jameson dahil sa ginawa nitong birthday greeting kay Janella noong kaarawan nito.
Naakusahan ang Hashtag member na user at ginagamit lang daw si Janella para sumikat ng mga loyal ElNella fans.
Ayon naman kay Janella, bago pa man niya tinanggap ang proyekto ay aware na siya na hindi si Elmo ang kanyang makakapareha.
“Actually, bago pa nila in-offer sa akin ito, inunahan na nila ako na hindi si Elmo ang kapartner mo rito. When I heard about the story, nagandahan talaga ako. Napaisip din ako, dahil maganda talaga siya. Na-explain din nila sa akin kung bakit hindi si Elmo ang kasama ko. Iyon nga iyong sinasabi ni Direk na ayaw niya ng predictable, na ang focus ay hindi love team kundi iyong story,” aniya.
“Na-realize ko rin. No offense meant sa mga love teams kasi I’ve been into love teams. I personally enjoy it because it’s a good experience. Sa akin lang, actually na-realize ko na it helps if you get to work with different people. It doesn’t necessarily mean na wala ka nang relasyon sa person na naka-work mo before. Kasi, this is our job, kaya nga we’re actors and actresses, it doesn’t have to be real life talaga to make people feel your emotion,” dugtong niya.
Nag-enjoy daw naman siyang katrabaho ang Fil-am actor.
“He’s very nice na hindi ako nahirapan o na-awkward whatever. He’s fun to work with,” hirit niya.
Tungkol sa soulmates ang tema ng pelikula kaya excited daw siya.
Bida pa niya, naniniwala raw siya sa soulmates, although ayaw niyang i-disclose kung nahanap na niya ito sa tunay na buhay.
“I believe in soulmates. It doesn’t necessarily have to be romantic. Soulmates don’t need to have that romantic connection . You just feel it na lang na connected ka,” bida niya.
Naniniwala rin siyang hindi kailangang magkaroon ng relasyon ang dalawang tao para magkaroon sila ng koneksiyon.
May common interests din daw sila ni Jameson, bagay na masasabi niyang may koneksiyon sila.
“Pareho kasi kaming quiet pero iyong pagka-quiet niya, iba. May lalim. When we talk, hindi siya mahirap kausap. You can feel na roon pa lang, may connection na kami,” paliwanag niya.
For your comments/reactions write to [email protected].
Comments are closed.