JANINE ‘DI PA MALAGYAN NG LABEL ANG RELASYON NILA NI RAYVER

JANINE-RAYVER-2

WALA pa ring label ang relasyon ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez at ng rumored boyfriendthe point nitong si Rayver Cruz.

Gayunpaman, hindi naman niya ikinaila na espesyal sa puso niya ang binata.

Katunayan, kasama niya ito at ng kanyang pamilya nang magbakas­yon sila noong Bagong Taon sa US  for seven days.

“Wala kaming ginawa kundi nanood kami ng basketball. Nanood kami ng laban ng Lakers. Actually, pang-turista lang talaga ang ganap namin sa LA,” kuwento niya.

Masaya rin siya dahil kasundo ng kanyang mga parent at kapatid na lalake si Rayver.

“Iyong kapatid kong lalake parang nagkaroon na siya ng Kuya kay Rayver. Pati kay Dad ang tawag niya Kuya Mon at Ate Lot naman kay Mom. Parang nag-uusap lang sila ng magbarkada. It’s not being disrespectful pero ganoon talaga ang nakasanayan nila,” paliwanag ni Janine.

Sey pa niya, happy naman  siya sa estado ng relasyon niya with Rayver kahit wala pa itong opisyal na label.

“Para sa akin, mas importante iyong kung paano kayo kaysa sa anumang label. May mga official nga na boyfriend-girlfriend pero may naririnig tayong hindi maganda at ‘di sila masaya,” esplika niya.

Hirit pa niya, wala raw namang hadlang kung sakaling dadalhin nila sa next level ang kanilang relasyon, kahit pa sabihing naapektuhan siya noon sa breakup nila ng una niyang boyfriend na si Elmo Magalona.

“Dati noong una, I guess, parang pinipigilan ko lang ang sarili ko na maging seryoso uli, because of the past, pero ngayon, wala namang reason para mag-hold back,” pahayag niya.

Bibida si Janine sa Elise, ang kanyang first mainstream movie kung saan kapareha niya ang Kapamilya hunk actor na si Enchong Dee.

Pagbubunyag  pa niya, hindi raw ito ang unang beses na makatrabaho niya ang actor.

“Nagkatrabaho na kami sa Lila. Patayan kasi iyon at ibang-iba iyon sa movie namin ngayon. Actually, nakita ko ang difference noong karakter niya rito. Sobrang bumagay sa kanya ang role.

May kissing scenes daw sila sa pelikula pero wala raw naman silang naging ilangan ni Enchong.

Ginagampanan ni Janine ang role ni Elise, isang palaban at matapang na babae na first love ni Enchong sa nasabing pelikula na idinirehe ni Miko Livelo.

Malapit na ring simulan ni Janine ang GMA7 teleseryeng  “Dragon Lady” kung saan kapareha niya si Tom Rodriguez.

EDDIE GARCIA LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEE SA SINGKUWENTO INT’L FILMFEST

ANG multi-awarded at beteranong aktor-director na si Eddie Garcia ang tinanghal na Lifetime Achievement Awardee sa Singkuwento International Filmfest na nagbabalik ngayong taon bilang pagdiriwang ng ika-100 taon ng Pelikulang Pilipino.

Si Eddie Garcia na iti­nuturing na institusyon at haligi ng industriya ay nakagawa ng humigit kumulang na 600 pelikula mula nang magsimula siya bilang artista noong 1949.

Sa edad na 89, patuloy pa rin siyang humahataw bilang aktor at direktor.

Katunayan, nagbida siya at nagwagi bilang best actor noong nakaraang taon sa mga pelikulang ML para sa Cinemalaya Independent Film Festival at Hintayan ng Langit para sa Quezon City International Filmfest.

Sa katatapos na 2018 MMFF, siya rin ang nagkamit ng Jury Prize for Acting para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Rainbow’s Sunset”.

Ang awards night ng Singkuwento International Film Festival ay gaga­napin sa Atrium at the Plaza, Resorts World Manila sa Pebrero 23.

Comments are closed.