JANINE, ECHO SILA NA BA?

Binati ni Actress Janine Gutierrez si Jericho Rosales noong birthday niya this September 23. News ba yon? Kasimple lang naman ng bati, happy birthday lang. Yun nga lang, binigyang kulay ng mga fans dahil inamin ni Jericho na nililigawan niya ang aktres at nagdi-date sila.

Kaya lang, doubtful talaga ako dahil nagkaroon din ng ganyang tsismis nung panahong may teleserye sina Janine at Paulo Avelino, na eventually, nalaman nating iba pala ang pinopormahan ng aktor.

May teleserye din ngayon sina Janine at Jericho, ang Lavender Field. Hindi ko napapanood dahil masyado nang late, pero maganda raw naman.

Sabi ni Gutierrez, “It’s been fun getting to know him and hanging out with him outside of work.”

Hindi ba parang ganoon din ang dialogue niya kay Paulo? Vague. Walang denial, walang confirmation.

Sakaling maging sila, papayag ba ang prestihiyosong pamilya ni Janine? May asawa si Echo. Oo nga at hiwalay na sila, pero hindi pa annulled ang kasal. Ano yan, gagawing kabit ang apo nina Asia’s Queen of Songs Pilita Corales at Philippine Movies Superstar Nora Aunor? Idag­dag mo pang ang laki ng agwat ng edad nina Echo at Janine, at pati na ang financial capabilities. Sa ganda ni Janine — kasama siya sa listahan ng 100 most beautiful faces in the world — you think, papayag siyang maging other woman lang?

RLVN