KUNG karamihan sa mga artista nating babae ay takot sa height, ito palang si Janine ay palaban pagdating sa height. Sa isang delikadong eksena sa teleserye nila ni Alden Richards, ay walang takot na kumapit sa isang lumang building si Janine na tila ba mahuhulog siya kung bibitaw ang mga kamay sa pagkakasabit. Mataas-taas din ang naturang building, kung hindi mag-iingat ng todo-todo ay malamang ikadisgrasya ng kanyang beauty.
Ang mas lalong nagpakaba sa mga taong nasa paligid ng set habang kinukunan ang naturang eksena ay hindi pumayag si Janine na magpa-double sa naturang stunt. Inamin din ni Janine na pagkatapos na kunan ang naturang buwis-buhay na eksena ay mismo siya ay kinabahan ng pinanood na ito. Ayon pa rin kay Janine, kumuha raw siya ng lakas ng loob sa pelikulang “Mission Impossible” ni Tom Cruise kung saan ay ginaya niya raw ang buwis-buhay ng bidang lalake sa eksenang nahuhulog sa building.
MARIEL DE LEON PANG-KONTRABIDA
PAGKATAPOS ng kanyang termino bilang Bb. Pilipinas International ay pasok naman ang byuti ni Mariel de Leon, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong sa showbiz world. Una na nga rito ay ang pagiging leading lady niya ni Coco Martin sa “Ang Panday” ngayon ay dala-dalawang pelikula ang kanyang ginagawa, ang “Latay” at ang “Patayin sa Sindak si Barbara” remake ng movie ni Susan Roces.
Okey lang daw kay Mariel ang magpa-sexy at nagpatikim na nga siya ng sexiness sa kanyang sexy pictorial sa Online FHM. Ganun pa man say ni Mariel, may limitasyon ang kanyang pagpapa-sexy kahit pa sabihin na launching movie niya ito. Hihingi pa rin siya ng payo sa mga artistang mga magulang.
Feel din ni Mariel na lumabas bilang kontrabida sa mga teleserye, mas challenging daw kasi ito para sa kanya, ‘yung tipong magagalit sa kanya ng husto ang televiewers. Which reminds na sa pagiging open minded niya at straight forward sa pag-oopinyon pagdating sa politics ay na-bash ng todo-todo ang byuti niya. Sa ngayon ay lie-low na muna ang kanyang byuti sa pagbibigay ng opinion. Ani ni Mariel, binabasa daw niya ang lahat ng komentong pinupukol sa kanya sa social media, na naging daan ang mga ito para mas maging stronger diumano siya at dedma na lang para hindi na lumaki pa ang isyu.
JULIE ANNE SAN JOSE SANAY SA HUBAD NA PHOTOS NG BF
MASASABI na rin naman na isa si Benjamin Alves sa may sexy body among Kapuso’s hunk leading man. Kung kaya hindi na kataka-taka kung laging mayroong shirtless scene o naka-short lang si Benjamin sa mga ginagawa niyang teleserye. Tulad na lang nitong sa “Kapag Nahati Ang Puso” nila nina Sunshine Cruz at Bea Binene, muli na naman naging usap-usapan sa netizens ang kaseksihan ni Benjamin sa isang eksena sa naturang teleserye kung saan ay shirtless siya. Hindi naman nakalagpas ito sa kaalaman ng kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose, ano naman kaya ang magiging komento ng singer/actress sa mga komentong ka-seksihan ni Benjamin. Magkaiba kasi silang dalawa ng career image, medyo konserbatibo si Julie Anne kahit minsan ay nagpapa-sexy outfit? Ani ng young singer, sanay na sanay na raw siya sa mga litrato ng boypren na naka-short or shirtless lang kung kaya hindi na bago sa kanya ang mga bagay na ito. As in dedma na lang si Julie Anne sa mga girl o beki na nagpapantasya sa magandang katawan ng boypren.
Comments are closed.