JANINE GUTIERREZ KINARIR ANG PAGIGING DRAGONA

JANINE GUTIERREZ-12

wallfacePURO papuri at paghanga ang laman ng social media account ni Janine Gutierrez sa isang larawan kung saan naka-post ang kanyang sexy pictorial in a white two-piece bikini kasama ang hunk photographer na si BJ Pascual.

Ang naturang super hot sexy pictorial ay naging cover ng isang magazine at agad itong nag-trending. Maging ang kapwa celebrities ni Janine ay hindi napigilang magkomento sa paghanga nila sa kaseksihan ni Janine. Iisa halos ang kanilang komento, she’s so hot! Marami tuloy sa mga follower ni Janine Gutierrez ang mas lalong bumilib sa kanilang idolo, kinarir daw ni Janine ang pagi­ging dragona o Dragon lady, kung saan ‘pag bumuga ay super hot.

At siyempre labis din ang paghanga ng rumored boypren niyang si Rayver Cruz sa kaseksihan ng dalaga. Bukod sa kanyang “Dragon Lady” ay aba-la pa rin si Janine sa kanyang hosting job show sa GMANews TV, ang “Day Off” kasama si Ken Chan na mapapanood every Saturday.

KRIS BERNAL MAY MAGANDANG BIRTHDAY GIFT

KRIS BERNALNILULUTO ba ang loveteam nina Kris Bernal at Rayver Cruz? Matapos kasi ang matagumpay na “Asawa Ko Karibal Ko” ay silang da­lawa muli ang magkasama sa pinakabagong teleseryeng handog ng GMA7, isang suspense/thriller series at kasama pa nila si Megan Young.

Para kay Rayver, okey lang daw na si Kris na muli ang kanyang makatambal sa gagawing bagong tele­serye. Wala na raw extra effort na gagawin si-lang dala­wa da­hil nakasanayan at gamay na nila ang isa’t isa pagdating sa trabaho. Ang bukod tanging gagawin na lang daw nila ay ang baguhin ang atake sa karakter nila ngayon.

Ibang-iba kasi ito kaysa sa nauna nilang tele­serye. Samantalang si Kris ay super happy naman at may bago na naman siyang teleseryeng gagawin at ngayon pang birthday niya nang matanggap ang alok. Kung kaya magandang birthday gift kay Kris ang panibagong teleserye kung saan ay mas magiging daring and matured siya rito kaysa sa mga nauna ni-yang te­leseryeng mapangahas.

One thought on “JANINE GUTIERREZ KINARIR ANG PAGIGING DRAGONA”

Comments are closed.