SI JANINE Gutierrez pala ay may fear sa heights, pero sa isang eksena na buwis-buhay siya sa “Victor Magtanggol,” tinanggap niya at wala siyang double sa ipinagawa sa kanya. Ito iyong eksenang naglambitin siya sa second floor ng isang lumang building.
“Nang malaman ko pong ang eksenang kukunan, hinahabol ako ng isang dambuhalang creature at para makaiwas sa kanya ay tatalon ako mula sa second floor, pumayag po akong gawin iyon at hindi ako nagpa-double,” kuwento ni Janine. “Binigyan lamang ako ng instruction ni Direk Dominic Zapata at tinuruan ako ng stuntman na umalalay sa akin. Kasi ililigtas naman ako ni Hammerman at sandali lamang iyong nakabitin ako, inalis ko ang takot ko dahil alam ko namang hindi ako pababayaan ng production, kaya thankful ako sa kanila pagkatapos makunan ang eksena.
“Makapigil-hininga po ang eksenang iyon, pero inisip ko na lamang na ganoon din ang isang eksena sa Hollywood movie na ‘Mission Impossible.’ Ewan ko kung may susunod pang buwis-buhay na eksena akong gagawin, pero after this, ready na ako palagi. I love my work at naiiba ito na may action at hindi iyong usual teleserye.”
JO BERRY MASUNGIT NA
MAY request pala ang mga taga-subaybay ng “Onanay” ni Jo Berry sa GMA 7, kung puwede raw pabaitin na muli ang character niya bilang si Onay. Gusto raw kasi nila iyong Onay na sa simula ng serye, mabait at mapagmahal, love na love daw nila si Onay kaya nalungkot sila nang dahil sa nangyari sa buhay niya, bigla siyang naging masungit, laging galit at kahit anong gawin ng nanay niyang si Nelia (Nora Aunor) na siyang laging umi-intidi sa kanya sa simula pa lamang, ay sinusungitan na rin niya.
Kaawa-awa raw ang anak nitong si Maila (Mikee Quintos) na bunga ng ma-rape siya, na simula pa noong bata ito ay mahal na mahal ang ina pero walang bukang-bibig si Onay kundi ang anak niyang si Rosemarie. Huwag daw mag-alala ang mga netizen, dahil babalik na ang dating ugali ni Onay, pero paano naman ang magiging reaction niya kapag hindi siya matanggap ni Rosemarie na siya ang tunay na ina nito?
Meanwhile, tuwang-tuwa si Jo nang isama siya sa cast ng “Onanay” para sa mall show nila sa Kadayawan Festival sa Davao last weekend. “It is indeed an unforgettable first regional mall tour for me! Salamat po sa pagmamahal nyo kay Onay!”
Ang “Onanay” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “Victor Magtanggol.”
ALDEN NA-BASH AGAD DAHIL KAY ANDREA
LAST Wednesday evening, may teaser ng “Victor Magtanggol” na parang sini-seduce ni Sif (Andrea Torres) si Victor (Alden). Kaya may namba-bash agad kay Alden na bakit daw may kissing scene sila ni Andrea, pambata raw ang serye dapat daw walang ganoon.
Sorry na lang sa nanguna sa script dahil wala namang ganoong eksena. Alam ng mga writer at ni Direk Dominic Zapata kung ano ang tamang ibigay nila sa mga televiewers, like mas gusto nila ang transformation ni Victor to Hammerman at ang paglaban niya sa mga ipinadadalang kaaway ni Lodi (John Estrada) para makuha sa kanya ang martilyo o ang Mjolnir ni Thor.
Comments are closed.