JANINE GUTIERREZ NAGDUSA MUNA PARA MATUPAD ANG PANGARAP

PARA kay Janine Gutierrez ang teleseryeng “Dragon Lady” nila ni Tom Rodriguez na ginagawa ngayonwallface ay isa sa katuparan ng kanyang pangarap sa mundo ng showbiz.

Isa sa dahilan kung bakit masaya si Janine sa pagiging leading lady ni Alden Richards sa “Victor Magtanggol” ay pangarap kasi ni Janine na makagawa ng isang fantaserye but sad to say, normal ang kanyang karakter sa naturang teleserye, isang ordinaryong tao at hindi superheroine.

Ngayon naman ay isang kakaibang tao ang papel ni Janine, at bumubuga pa ng apoy na may mukha na tila isang taong dragon. Ani ni Janine, masaya siya kahit nahihirapan sa kanyang make-up. Ayon kay Janine halos inaabot ng 2 hanggang 3 oras ang paglalagay ng prosthetic make-up sa kanyang mukha at katawan at halos isang oras naman kung tatanggalin. Pero sa tuwinang makikita na raw ni Janine ang kinalabasan ng kanyang make-up, siya mismo ay hindi na raw nakikilala ang sariling hitsura dahil sa makatotohanang make-up na nilalagay sa kanya.

Isa pa rin sa labis na kina-eexcite ngayon ni Janine ay ang magaganap sa March 30 nang gabi, siya kasi ang napiling youth am-bassador para sa gagawing Youth Hour sa gabing iyon.

JOYCE CHING ISANG TAONG PAGHAHANDAAN ANG KASAL

JOYCE CHINGENGAGED na ang dating syota ni Kristoffer Martin at kasamahan sa dating teen show ng GMA7 na “Tween Hearts” na si Joyce Ching sa kanyang non-showbiz boypren na si Kevin Alimon.

Bale si Joyce ang kauna-unahang cast ng “Tween Hearts” ang magpapakasal. Kasama rin niya sina Bea Binene, Barbie Forteza, Lexi Fernandez, Jake Vargas, Derrick Monasterio at Alden Richards.

Halos 2 taon at mahigit ang tinakbo ng kanilang relasyon bago tuluyan alukin ng kasal ng boypren si Joyce at maluha-luha naman niya itong tinanggap.

Ani pa ng young actress na very supportive ang kanyang non-showbiz fiancé kahit pa na­pagdesisyonan na ni Joyce na mag-level-up sa kanyang karir. Meaning more daring at palaban na Joyce Ching ang mapapanood ng kanyang mga follower sa bago niyang teleseryeng ginagawa ngayon sa Kapuso Network, ang “Dragon Lady” na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez. Kontrabida ang role ni Joyce at may mga matured scene siyang gagawin.

Ani pa ni Joyce, ang maganda raw sa non-showbiz ang karelasyon ay mas nauunawaan pa raw ng mga ito ang kanyang trabaho at hindi na kailangan pang mag-esplika ng malalim.

Say pa rin ni Joyce, noong ay kailangan pang ipaunawa raw ni Joyce ang ilang mga bagay-bagay sa ga-gawin niyang hakbang. Pagdating naman sa kasal, sinabi ng actress na wala pa man silang final date kung kailan magpapakasal pero sa loob daw ng isang taon mangyayari ang kanilang wedding ng ni Kevin.

Comments are closed.