JANINE GUTIERREZ NAKADAUPANG-PALAD SI HENRY GOLDING SA S’PORE

ANG  swerte naman ni Kapuso actress Janine Gutierrez na nasa Singapore para sa isang event at sinoshowbiz eye ang na-meet niya kundi si Henry Golding, ang lead actor sa “Crazy Rich Asians” na gumanap bilang si Nick Young  at nakasama sa movie ang ating nag-iisang Kris Aquino.

Post ni Janine sa kanyang Instagram “Dear Nick Young, I will learn mahjong for you and I will also teach you patintero.  Please reconsider.

Love, (Slightly) Crazy Hardworking Filipino #tb to the @louisvuitton #LVTimeCapsule launch in Singapore.

Ang daming nag-comment na masaya for Janine, like Max Collins, Thea Tolentino, Cristalle Belo, Kris Bernal, na sabi kay Janine: “Crazy Beautiful Asian!” @redgynn “OMG Henry Golding!!! Ask ni Janine sa program manager: @redgynn pwede ba kami gawa show ala Jagiya? (romcom series nina Heart Evangelita at Korean actor Alexander Lee). Sabi naman ni @lbrm757 “mas gwapo si Rayver (Cruz) at si Hammerman (Alden Richards), but I like Henry too!!!

Sa ngayon busy si Janine sa taping niya ng “Victor Magtanggol” with Alden Richards at sa mga GMA Regional TV shows to promote their action-drama-fantasy series na dinidirek ni Dominic Zapata.  Mga pasabog na ang mga susunod na eksena sa VM dahil involved na si Gwen sa mga laban ni Hammerman.

CHERIE GIL MULING NAGPAKITA NG KALUPITAN

CHERIE GILINABANGAN talaga ang eksena ni Mikee Quintos as Maila sa fa­mily drama na “Onanay” last Friday, August 31, na mu­ling ipinakita ni Cherie Gil as Helena ang iconic scene niya sa “Bituing Walang Ningning” nang sabuyan ni Cherie si Sharon Cuneta ng wine.  Since then, ma­rami nang artistang gustong makasama si Cherie pero meron ding umiiwas na makasama siya.

Pero si Mikee, hindi ito ang first time na nakasama niya si Cherie dahil gumawa na sila ng isang project sa GMA News & Public Affairs, ang afternoon show na “Sirkus.” Wala naman siyang sad experience doon dahil nakita niyang mabait si Cherie kaya nga fan na fan siya ng number one kontrabida sa showbiz.

“Nang malaman ko pong may ganoong eksena kami rito sa “Onanay” ni Ms. Cherie, medyo kinabahan din ako pero sabi ko lalakasan ko ang loob ko kasi idol ko ang kaeksena ko,” sabi ni Mikee. “Nakatutulong po ang nerbyos kong iyon para maipakita ko kung gaano ako katakot sa kanya, nang buhusan niya ako ng sago at gulaman nang puntahan niya ako sa school and confronted me sa ginawa ko sa anak niyang si Natalie (Kate Valdez).

“Iba po ang atake niya sa eksena namin, pero ramdam ko ang bigat ng emosyon ni Ms. Cherie, kaya po lalo akong humanga sa kanya.”

When asked kung magkakaroon pa ng gano­ong confrontation scene sila ni Cherie.

“Hindi ko po alam, baka po sila naman ng nanay Onay (Jo Berry) ko ang magkakaroon kapag nagkita na sila, dahil matagal na siyang hinahanap ng nanay ko.”

Tiyak na nga ang mas pasabog na eksena ni Cherie kapag nagkita na sila ni Jo at ng nanay nitong si Nora Aunor.  Ang “Onanay” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “Victor Magtanggol.”

Comments are closed.