ANSWERED prayer for Janine Gutierrez ang bagong project na in-offer sa kanya ng GMA Network, ang “Dragon Lady,” isang fantasy drama sa Afternoon Prime ng GMA Network.
“Dream role ko po na makaganap ng role ng isang strong, independent woman, na tulad ng role ni Celestina Sanchez,” say ni Janine sa media con-ference. “Si Celestina ay isinilang na may dragon-like features, may mystical power siya na magpapakita ng kanyang pagiging fierce lady boss, the Dragon Lady that she is destined to be. Bumubuga rin po ako ng apoy rito.”
For her role, kinakailangang maglagay si Janine ng prosthetics sa loob ng tatlong oras at humanga siya sa naglalagay nito dahil ang husay daw. Isa pang reason kung bakit tinanggap ni Janine ang offer, dahil kay Tom Rodriguez.
“Although nagkasama na kami ni Tom sa isang episode ng “Magpakailanman,” pero ito talaga ang big project namin together, siya po ang isa sa Kapuso leading men na pangarap kong makatambal. Napanood ko na ang ilang projects na ginawa niya at napakahusay niyang actor. Sa ngayon ay hindi pa kami nagkakasama nang madalas ni Tom sa taping dahil sa aming pilot week, simula sa Monday, March 4, mapapanood muna ang mga guma-nap na parents namin sa story.”
Ang tinutukoy ni Janine ay sina Bea Binene, bilang ang young Almira, ang ina niya, played by Diana Zubiri, Derrick Monasterio as young Charles, biological father ni Celestina, played by DJ Durano at Kristoffer Martin as young Bryan, played by James Blanco), ang magiging father figure ni Celes-tina. Kasama rin nila sina Isabelle de Leon, Denise Barbacena. Sa direksiyon ni Paul Sta. Ana, at mapapanood ito from Mondays to Saturdays, simula sa March 4, ang kanilang world premiere after “Eat Bulaga.”
EDGAR ALLAN GUZMAN AYAW NANG MAKASAMA ANG EX-GF SA PROJECT
NANG malaman ng entertainment press na nasa ALV Management na si Edgar Allan Guzman, biniro siya na may chance na palang magkasama sila ni Shaira Diaz sa isang project dahil naroon na rin si Shaira.
Napangiti si EA na usapan na raw nila ni Arnold L. Vegafria na hindi sila pagsasamahin sa isang project. Wala na raw sila talaga ni Shaira pero friends pa rin sila. Like ngayon, ang first project niya sa GMA sa bago niyang contract ay ang “Dragon Lady” si Shaira naman ay may project ding ginagawa sa GMA.
From his former manager, si Noel Ferrer, nagpaalam daw siyang lilipat ng management, sa ALV Management nga.
“Nag-set po ako ng meeting kay Sir Noel at nagpaalam ako sa kanya,” sabi ni EA. Alam ko po naman na naintindihan ako ni Sir Noel. Nagkaroon po kasi ako ng realization, na hindi na ako bumabata, I’m already 29 at kailangan ko namang isipin ang sarili ko. Kaya natuwa po ako nang bigyan agad ako ng bagong project na ibang-iba sa mga nagawa ko na. For my role, mag-aaral po akong magsalita ng Mandarin, may coach ako na nagga-guide sa akin.”
Comments are closed.