HINDI si Janine Gutierrez na inaasahan ng maraming supporters ng Rayver Cruz at Janine Gutierrez loveteam, ang magi-ging unang leading lady ni Rayver sa kanyang first teleseryeng gagawin sa Kapuso Network, kundi si Kris Bernal. Tulad nang gustong gawin ni Rayver, matinding drama ang soap na gagawin nila ni Kris, kung kaya ngayon pa lang ay super excited na si Kris sa panibagong pagsubok na ito sa kanyang acting karir.
At siguradong may love scene ito, knows naman natin na kahit sa pagpapa-sexy ay palaban na rin si Kris, at sa machong pan-gangatawan ni Rayver ay siguradong maraming kikiligin sa dalawang ito.
Isang warm welcome sa kanilang bagong soap ay ipinost ni Kris sa kanyang social media account para kay Rayver Cruz, na nagsasaad na welcome back and wacky muna bago mag-drama.
Say naman ng mga netizen, mas maganda raw kung isasama na rin si Rodjun Cruz na kapatid ni Rayver dahilan sa bago pa man daw bumalik bilang Kapuso si Rayver ay si Rodjun ang madalas na natatambal kay Kris. Siguradong patok daw ito lalo na’t magka-patid ang magkaribal kay Kris.
Sa kabila ng maraming pabor sa bagong tambalan sa GMA7 ay ‘tahimik’ naman ang kampo ng mga supporter nina Janine at Rayver.
JOLO REVILLA NAGSAWA SA PAKIKIPAGRELASYON
KUNG pagbabatayan ang status ngayon ay masasabing single and available sina Jolo Revilla, Jodi Sta Maria at Rhian Ramos. Si Rhian ay katambal ni Jolo sa latest movie na ginagawa niya ngayon at may tsikang type diumanong diskartehan ni Jolo itong si Rhian.
Samantala, tuluyan na ngang natuldukan ang romansang Jolo at Jodi. Tsikang kaya hindi na sinama si Jodi sa movie na pro-duced ng movie outfit ng kanyang angkan, dahilan sa fresh pa ang kanilang hiwalayan at ayaw ni Jolo na masabit ang hiwalayan blues nila ni Jodi sa tsika lalo na pagdating sa promo ng kanilang movie.
Si Lovi na ex-gf ni Jolo ay kasama sa movie. Say ni Jolo, mataas ang respeto niya sa kanyang mga ex-gf kahit hiwalay na siya sa mga ito. Samantala, tsika rin kasing sikretong malupit na raw ngayon ang balikan blues nila ni Jodi kung kaya ayaw na ayaw nilang pag-usapan pa ito.
Pero itinanggi naman ni Jolo ang tsikang lihim na balikan diumano nila ng on and off gf na si Jodi. Ayon kay Jolo, single siya ngayon at ‘di naman daw siya nagmamadaling magkaroon ng bagong girlfriend at mas tutok siya sa muling pagbubukas ng kanilang movie production outfit.
PATINDI NANG PATINDI ANG LABANAN SA ‘THE CLASH’
BANGGAAN sa “The Clash”, mas tumitindi habang papalapit ang grand finals.
Anim na Clashers na lang ang natitira at dalawa sa kanila ang nalagay sa alanganin. Matapos magkasakit ang Trending RNB Star ng North Cotabato na si Jong Madaliday, hindi siya nakakanta sa harap ng judges at automatic na napunta sa bottom two. Ha-bang ang magaling sa biritan na si Lyra Micolob na Soul Sistah ng Davao ang makakaharap niya. Alamin ang iba pang twist na mangyayari sa show, at abangan kung sino ang huling pangalan na mananaig at makokopo ang title ng Ultimate Clasher sa “The Clash”.
Tutukan ito tuwing Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto at Linggo pagkatapos ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” sa GMA!
Comments are closed.