JANINE GUTIERREZ PROUD UKAY-UKAY BUYER

GABBY EIGENMANN

WALANG keber ang Kapuso young actress na si Janine Gutierrez na i-post sa kanyang social media wallfaceaccount na ang suot niyang magandang damit ay galing sa ukay-ukay.

Sinong mag-aakala na sa katayuan ni Janine sa showbiz, may sariling TV show, ang “Day Off” at may ginagawang te­leserye ngayon sa GMA7, ang “Victor Magtanggol” na pinagbibidahan ni Alden Richards,  ay magtitiyagang mamili ng mga damit sa ukay-ukay? Kaya naman ni Janine na bumili ng branded na damit at may mga sponsor siyang signature dresses.

Sa isang social media site ni Janine ay nagpost siya ng isang larawan suot ang isang magandang damit, at napuna ito ng netizens. Binati si Janine at ang magandang suot.  Ganun na lang ang gulat ng netizen nang sabihin ni Janine na galing sa ukay-ukay ang kanyang suot. Biro kaya ito ni Janine o nagpapakatotoo lang siya sa buhay, as in praktikal lang talaga si Janine pagdating sa paggastos ng kanyang salaping pinaghirapan?

Samantala, tahimik man ang pagpasok ni Janine sa bagong teleserye ni Alden ay hindi  nanga­ngahulugan na takot siyang ma-bash ng fanatics ng Aldub loveteam. Alam naman daw kasi ng lahat na may ‘someone’ special na si Janine at trabaho lang ang kanyang ginagawa.

Well, ang tanong, makaligtas kaya si Janine sa mga basher?

Kahit gay na gay ang role

GABBY EIGENMANN ‘DI PA RIN FEEL MAGDAMIT NA PAMBABAE

GABBY EIGENMANNPAGDATING sa aktingan, no doubt about it, isa si Gabby Eigenmann sa masasabi nating versatile actor at kahit anong role na ibigay sa kanya ay kering-keri ni Gabby itong gawin. Tulad na lang sa latest project niya sa GMA7, ang “Contessa”, isang gay ang papel ni Gabby at dito ay hindi closet gay ang kanyang dating kundi ha­latadong gay talaga kahit pa pulos pantalon at shirt ang kanyang suot.

May nag-suggest kay Gabby na ibahin naman daw ang kanyang image, magsuot din daw siya ng dress na pambabae. Say ni Gabby, hindi raw niya feel ang magsuot ng dress pang girl dahilan sa kanyang timbang, magmumukha raw siyang si Donya Buding ‘pag ginawa niya ito. Dagdag pa raw ito sa magi­ging uncomfortable dahilan kahit effeminate ang role ni Gabby sa “Contessa”, ay magiging katawa-tawa ang kanyang hitsura kung sakali man. Heavy drama pa man din ang kanilang “Contessa”, at baka ‘pag nag-cross dressing si Gabby ay magmukhang comedy na ang teleserye nila ni Glaiza de Castro.

LJ REYES SUPORTADO ANG ANAK SA NADISKUBRENG UFO

TILA bilib it or not naman ang drama ng mag-i­nang LJ Reyes at Aki ngayon sa isang insidenteng LJ REYESnaganap nang minsang namasyal ang mag-ina.

Ayon sa kuwento ni LJ, ay may nakita raw kakaibang bagay ang kanyang anak nang tumingin ito sa kala­ngitan, ani pa raw ni Aki, isa raw itong UFO o Unidentified Flying Objects. Say pa rin ni LJ, kinalabit daw siya ng kanyang anak at may nakikita raw itong UFO, at nang tiningnan ni LJ ang nakita ng anak ay hindi siya kumbinsido kay Aki, pero nang i-zoom-in na raw niya ang kamera ng kanyang cellphone doon ay parang nakumbinsi ni Aki ang ina.

Nagulat din daw ang young actress at hanggang sa pag-uwi nila ng kanilang tahanan ay hindi raw makapag-move-on si Aki sa nakita at patuloy itong nagtatanong tungkol sa UFO. Maging si LJ man daw ay first time makakita ng ‘UFO’. Sa ngayon ay abalang-abala pa rin si LJ sa “The Cure” nila nina Tom Rodriguez at Jennylyn Mercado.

 

 

4 thoughts on “JANINE GUTIERREZ PROUD UKAY-UKAY BUYER”

  1. Sometimes I question the internet and what is posted? Honestly the internet used to be like a different place, although it seems to be changing for the better. What do you think?

Comments are closed.