KUNG ang ina ni Janine Gutierrez na si Lotlot de Leon ay tinuldukan na ang lovelife, as in engaged to be married na siya sa boypren na foreigner, itong si Janine ay tila urong-sulong pa sa pag-amin sa tunay na relasyon nila ni Rayver Cruz. Kahit marami na sa paligid niya na ang nagsasabing they are playing sweet music together ay ‘di pa rin umaamin si Janine sa status ng relasyon nila ngayon ni Rayver.
Nitong nakaraang birthday ni Rayver ay may isang family get together birthday party ang inihahandog ng kanyang pamilya sa aktor, kung saan ay halos nandoon lahat ng kanyang mga kamag-anak at mga kapamilya pero may isang namumukod tanging hindi nila angkan ang inimbita rin, si Janine.
Feel na feel daw nitong si Janine na belong na siya sa pamilya ni Rayver. Hindi siya naiilang kahit siya lang ang outsider sa naturang pagtitipon. At nang matanong naman si Janine kung feeling belong siya sa pamilya ng rumored boypren, ganoon din kaya si Rayver sa kanyang pamilya.
Say ng young actress, hindi pa raw niya nakakasama si Rayver sa isang okasyon ng kanyang pamilya. Sa ngayon ay abalang-abala si Janine sa teleserye nila ni Alden Richards na “Victor Magtanggol” samantalang si Rayver naman ay waiting pa sa susunod na kabanata sa kanyang showbiz career pagkatapos na umalis sa bakuran ng ABS-CBN.
KEN CHAN NAHAHARAP SA ISANG MATINDING PAGSUBOK
KUNG naging bukambibig ang pangalan ni Ken Chan via his teleserye na “Destiny Rose” kung saan ay naging isang transgender siya at nagkaroon pa ng special affair sa isang lalake na ginampanan noon ni Fabio Ide, ngayon ay isa namang pagsubok ang haharapin ni Ken bilang isang aktor.
Sa bago niya kasing teleserye ay isang lalakeng may mild intellectual disability si Ken o ‘yung may mental retardation. Pero ang naging hamon ngayon kay Ken ay kung paano niya tutugunan ang papel niyang ito at ang pagiging isang ama. Kung si Kris Bernal ang “Little Nanay” si Ken Chan naman ang “My Special Tatay”.
PASABOG NI BEAUTY
MARAMING nagulat sa ‘pasabog’ na kaseksihan ni Beauty Gonzalez para sa kanyang sexy pictorial sa lingerie collection ng isang sikat na sikat na clothing product. Parang dalagang-dalaga pa ang dating ni Beauty at tila hindi nanganak. O ‘di nga ba naging on-hand mommy pa nga siya pagkapanganak noong 2016 kung kaya nagpahinga rin siya ng ilang buwan sa showbiz.
Ngayon after years ay balik-sexiness na si Beauty at masasabing belong siya sa linya ng mga one hot mama tulad nina Jennylyn Mercado at Sunshine Cruz. For now ay wala pang balita kung ano ang gagawin na project ni Beauty lalo pa nga’t kamakailan lang ay naging isang Kapuso talent na rin siya.
Comments are closed.