ISANG janitor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang nakapulot ng 10,000 US dollar sa boarding area ng terminal 2 habang naglilinis sa lugar.
Kinilala ang nasabing janitor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 na si Jhun Telewik.
Ayon kay Jhun, ang naturang pera ay nakalagay sa isang bag at naiwan ng isang Filipino American na senior citizen sa may boarding area.
Agad niya itong ipinagbigay alam sa Lost and found section sa Airport Police headquarters.
Maliban sa US dollar bills nasa loob ng bag ang ibat-ibang gamot na hinihinalang ginagamit bilang maintenance ng may ari nito.
Agad namang naisauli ang bag sa may ari na si Leonides Castillon Sr. FROILAN MORALLOS