WALANG pasok ang mga trabahador at eskuwela bukas, Enero 16 sa Batangas City.
Ito ay dahil idineklarang special-non working day ang nasabing petsa para sa kapistahan sa lungsod.
Sa nilagdaang proclamation number 647 ni Exec. Sec. Salvador Medialdea, ang naturang petsa ay paggunita rin sa Tourism at Cultural Day sa Batangas City.
Layon nitong mabigyang pagkakataon ang mga residente na makilahok sa mga aktibidad, kaya idineklarang walang pasok o non-working day ang nasabing petsa.
Sakop ng deklarasyon ang lahat ng paaralana at mga government office at private companies sa lungsod. AIMEE ANOC
Comments are closed.