JANUARY 9 SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY SA MAYNILA

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang January 9, bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila  upang bigyang daan ang kapistahan ng  Itim na Nazareno.

Nakapaloob ito sa  Proclamation No. 434 na may petsang January 4, 2024 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nakasaad sa proklamasyon na layunin nito na bigyan ng pagkakataon ang mga taga-Lungsod ng Maynila na  makilahok sa selebrasyon ng nabanggit na kapistahan.

“It is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” sani sa proklamasyon.

Tampok  sa kapistahan ng Poong Nazareno ang  naging trasdisyon na traslacion kung saan maraming mga deboto ang sumasabay sa prusisyon na inaabot ng halos isang araw.

Inaasaahang libo libong tao ang lalahok sa prusisyon ng Poong Nazareno kung saan ay nakatutok naman ang puwersa ng Philippine National Police at iba pang ahensiya para sa pagpapatupad ng kaayusan ng selebrasyon.

EVELYN QUIROZ