JAPAN B.LEAGUE: THIRDY, SAN-EN NANGAPA VS HIROSHIMA

NAHIRAPAN si Thirdy Ravena sa kanyang tira sa kaagahan ng laro at nagkumahog ang kanyang San-en team kontra NeoPhoenix sa Hiroshima Dragonflies, 76-67, sa aksiyon sa Japan Professional Basketball League (B.League) sa Hiroshima Sun Plaza Hall kahapon.

Umangat ang Hiroshima sa 4-1 ngayong  season habang bumagsak ang San-en sa below .500 na may 2-3 kartada.

Tumapos si Ravena na may pitong puntos lamang sa 3-for-12 (25%) shooting, kung saan ang lahat ng kanyang field goals ay nagmula sa second half. Kumalawit din siya ng tatlong rebounds at nagbigay ng isang assist sa mahigit 31 minutong paglalaro.

Nanguna para sa San-en si  Elias Harris na may 23 points habang nagbida si Gregory Echenique sa Dragonflies  na may 17 points at 9 rebounds.

Humabol ang San-en sa 35-20 first half deficit upang makalapit sa tatlong puntos, 36-33, sa half.

Subalit hindi sila nakaporma sa second half kung saan bumanat sina Hiroshima’s Thomas Kennedy at Ryo Terashima ng big shots sa krusyal na sandali.

Nagsalpak si Kennedy ng limang three-pointers upang tumapos na may 15 points para sa  Dragonflies habang nag-ambag si Terashima ng 13.

6 thoughts on “JAPAN B.LEAGUE: THIRDY, SAN-EN NANGAPA VS HIROSHIMA”

  1. 827105 125729Watch the strategies presented continue reading to discover and just listen how to carry out this incredible like you organize your company at the moment. educational 140225

  2. 72021 483165An attention-grabbing dialogue is worth comment. I believe that it is very best to write extra on this subject, it wont be a taboo subject nevertheless usually individuals are not sufficient to speak on such topics. Towards the next. Cheers 268008

Comments are closed.