JAPAN BANK INTERESADO SA MAHARLIKA FUND

INTERESADO ang Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na mamuhunan sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito ang resulta ng kortesiya ni JBIC Chairman of the Board, Tadashi Maeda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacanang.

Ayon kay Maeda, nais nilang mamuhunan sa MIF na sentro ng kanilang naging pag-uusap ni Marcos nitong Miyerkoles.

Sinabi ni Pangulong Marcos na Interesado rin ang JBIC sa pagtutok sa liquified natural gas (LNG) na isang traditional source ng enerhiya sa Pilipinas at pangangailangan ng iba pang energy sources gaya ng hydropower, solar, at hangin.

Naniniwala ang Punong Ehekutibo na welcome development ang pagnanais ng JBIC na mamuhunan sa MIF at sa iba pang proyekto.

“We have the potential…between Japan and the Philippines to work together, for example, I already had a meeting with Aboitiz Chairman Sabin and I proposed to him to have an MOU… and to Metro Pacific, and also to San Miguel,” anang Pangulo.

Gayunman, aminado ang Pangulo na dapat ay matukoy ang proyekto at alamin mabuti para maging maayos at tama ang makukuhanang enerhiya, gayundin ang pagsulong ng makabagong teknolohiya.

Samantala, pinuri ng JBIC official ang Philippine government sa approval ng panukalang sovereign wealth fund law ng Kongreso.

Pinanindigan naman ni Pangulong Marcos na ang nasabing pamumuhunan ang kailangan ng bansa kaya nilikha ang MIF.

“It’s so that we, the Philippines, can participate in what would be, what is regarded, of course, as an investment for us. It is a necessary infrastructure that we are investing in,” ani Marcos.

Bukod sa MIF, nais din ni Maeda ang karagdagang detalye sa mga targeted project ng bansa at iba pang keypoint person para sa kanilang proposals upang maiangat ang antas ng kooperasyon sa dalawang bansa. EVELYN QUIROZ