TOKYO – BUKOD sa Europa, Estados Unidos at Middle East, maaari ring maging target ng mga overseas Filipino worker ang Japan.
Ito ay nang ianunsiyo ni Yoshimitsu Kobayashi, chairman of the Japan Association of Corporate Executives na buksan ang kanilang bansa sa iba’t ibang dayuhang manggagawa dahil sa lumiliit nilang labor force.
Magugunitang naging polisiya ng Japan na kuhanin ang kanilang mamamayan bilang skilled worker habang sakali mang may Filipino na magtra-baho roon ay nasa larangan ng entertainment gaya ng singer at cultural dancer at food services.
Gayunman, dahil sa paglipas ng panahon, lumiliit ang young generation sa kanilang lugar at mas nakararami ang mga nakatatanda kaya kailangan nilang punan ang kanilang skilled workers na nagresulta ng pagkuha nila ng mga dayuhang manggagawa at kasama sa option doon ay mga Filipino.
Ipinagpalagay na sa pagliit ng workforce ng Japan ay maapektuhan nito ang kanilang ekonomiya dahil magiging stagnant ito.
“It’s a natural turn of events” to accept more foreign workers,” ayon kay Kobayashi.
Paglilinaw naman ni Kobayashi, hindi lang skilled worker ang kanilang kailangan sa ngayon kundi maging mga professional.
“Given the situation Japan is in and its future, we’ve already entered a phase in which we need to seek help not just from highly skilled workers,” dagdag pa ni Kobayashi.
Inatasan na rin ni Prime Minister Shinzo Abe ang kaniyang gabinete na maghanda para sa pagtanggap ng maraming foreign workers at upang makaengganyo ay mag-aalok pa ng bagong residential status simula Abril.
Una nang nag-anunsiyo sa Japan na nangangailangan sila ng 500,000 foreign workers. EUNICE C.
Comments are closed.