JAPAN MAGKAKALOOB NG DEFENSE EQUIPMENT SA PH

Nakatakdang makatanggap ang Pilipinas ng karagdagang defense equipment mula sa Japan sa gitna ng mga banta sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ang Japan ay sumusuporta sa Pilipinas laban sa agresyon sa pinag-aagawang isla.

Kabilang sa ibibigay na assistance ng Japan ay nagkakahalaga ng P611 milyon o katumbas ng 1.6 billion yen para sa coastal radar systems at automatic rigid hull inflatable boats.

Ang coastal radar systems ay ginagamit para matunton ang maliliit na fishing vessels gayundin para mapangasiwaan ang vessel traffic habang ang rigid hull inflatable boats naman ay magaan at fast high-performance boats na ginagamit ng militar para sa pagpapatrolya gayundin sa search at rescue operations.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang tulong ng Japan ay malakibg bagay para sa pagprotekta at pagpapahusay pa ng kapasidad ng  bansa para malabanan ang mga banta sa katatagan at seguridad sa Indo-Pacific region.