MALAKING bahagi ng 350,000 bakanteng trabaho sa Japan na bubuksan sa mga banyagang manggagawa ang nakalaan sa mga Filipino na magiging epektibo sa susunod na buwan sa batas na papayagan ang bagong residence status sa foreign workers, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na kabilang ang mga skilled Filipino workers sa mga nasyonal na pipiliin ng Japan para sa mahigit 100,000 bagong trabaho na bubuksan sa karatig-bansa sa Asya.
Nakatakdang lagdaan ang memorandum of cooperation na magtatakda para sa pagdedeploy ng “specified skilled worker,” sa Martes sa Tokyo sa pagitan ng labor department at ng Ministry of Justice, Foreign Affairs, Health, Labor and Welfare at ng National Police Agency ng Japan.
Sinabi ni Bello na ang cooperation agreement ay hindi lamang magbibigay ng magandang oportunidad, ito rin ay magpapalakas sa proteksiyon ng skilled Filipino worker na madedeploy sa Japan.
Kabilang sa mga specified skills ay iyong nasa health care, building maintenance, food services, industrial machinery, electronics, food manufacturing, agriculture, hospitality, construction, shipbuilding, fisheries and aquaculture, parts and tooling at aviation.
Ang National Reintegration Center for OFWs (NRCO), sa kabilang banda, ang mangangasiwa para sa reintegrasyon ng mga babalik na specified skilled worker. PAUL ROLDAN
Comments are closed.