JAPAN NANGANGAILANGAN NG 300,000 PINOY WORKERS

JAPAN-PHILIPPINES

MAYNILA – MAGSASAGAWA ng employment track ang Japan para punan ang kanilang mga pangangailangan para sa  may 300,000 workers para sa iba’t ibang industriya sa kanilang bansa.

Sa impormasyong nakalap mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) open sa mga Pinoy ang nasabing mga trabaho sa kanilang 14 na industriya.

Bukod sa malaking sahod ay may malaking oportunidad ding madala sa Japan ang kanilang mga pamilya.

Nabatid na nagkaroon na ng pagpupulong  ang mga opisyal ng Japan at POEA para sa bagong employment track na “specified skilled worker visa.”

Sinabi ng ahensya na ang track ay iba sa Technical Internship Training Program (TITP) kung saan magiging trainee ang isang aplikante.

Sa ilalim ng TITP, limang taon ang kontrata at hindi puwedeng mag-renew o mag-apply uli matapos ang internship.

Pero sa bagong visa, paliwanag ni POEA administrator Bernard Olalia, puwedeng maging full time worker ang TITP workers.      VERLIN RUIZ

Comments are closed.