KAPWA nagpahayag ng kanilang pagkatig ang Pilipinas at Japan sa pagsulong ng joint military exercises sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Japanese Self Defense Force (JSDF).
Kabilang ito sa mas malawak na kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa na tinalakay sa Inaugural Japan-Philippines Foreign and Defense Ministerial Meeting (“2+2”) sa Tokyo, Japan.
Dumalo sa isinagawang pagpupulong sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Secretary of Foreign Affairs Teodoro L. Locsin, Jr. ang kanilang mga counterparts na sina Japanese Foreign Affairs Minister Hayashi Yoshimasa at Japanese Minister of Defense Kishi Nobuo.
Bilang pagpapalakas ng relasyong pandepensa ng Pilipinas at Japan, napagkasunduan ng mga opisyal ang pagpapalawig ng kanilang transfer of technology, defense equipments at pagbuo ng “framework” para sa pagkakaroon ng mas madalas na “reciprocal visits” sa pagitan ng militar ng dalawang bansa.
Nagpahayag din ng kanilang seryosong pag-aalala tungkol sa sitwasyon sa Silangan at Timog Tsina ang mga ministro at mahigpit na sumasalungat sa mga aksyon na maaaring magpataas ng tensyon.
Binigyang-diin ng dalawang defense ministers ang kahalagahan ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon at ang seguridad ng mga karagatan nito.
Pinagtibay din ng ministers ng dalawang bansa ang kanilang commitment para sa kalayaan ng nabigasyon at overflight sa Silangan at South China Seas, at pagkakaroon ng isang patakarang nakabatay sa diskarte sa paglutas ng mga nakikipagkumpitensyang paghahabol sa mga lugar na pandagat sa loob ng balangkas ng internasyonal na batas, partikular na ang UNCLOS.
Sinuportahan ng Japan ang matagal nang pagtutol ng Pilipinas sa labag sa batas na pag-angkin sa maritime, militarisasyon, pamimilit aktibidad at pagbabanta o paggamit ng puwersa sa South China Sea, at nagpahayag din ng suporta nito sa Hulyo 2016 arbitral award sa South China Sea.
Binigyang-diin ng Pilipinas na ang arbitral ruling sa South China Sea ay pinal at legal na may bisa.
Nanawagan ang mga Ministro para sa maaga pagkakaroon ng isang Code of Conduct sa South China Sea na naaayon sa UNCLOS at hindi nakapipinsala sa mga lehitimong karapatan ng lahat ng stakeholder sa South China Sea.
Samantala, umatraka sa Subic Freeport Zone, Olongapo City, Zambales nitong nakalipas na linggo ang Maritime Self-Defense Force (JMSDF) ng Japan o ang JS Suzutsuki.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza, nagsagawa lang ng port call ang barko ng Japan sa bansa.
Sila ay escorted ng BRP Jose Rizal ng Philippine Navy nang dumaong sa Subic, ang barkong ito ay una nang nagsagawa ng Passing Exercises (PASSEX).
Sa kanilang pagdaong sa Subic ay binigyan sila ng welcome ceremony ng Philippine Navy.
Sinabi pa ni Negranza, ang pagdating ng barko ng Japan ay para sa routine port replenishment at pagpapahinga ng mga crew nito na nagsasagawa ng Overseas Training Cruise.
Dagdag pa ng opisyal, ang pagdating sa bansa ng barko ng Japan ay pagpapakita ng mas magandang bilateral relations sa pagitan ng Philippines at Japan na may kapwa layunin na i-promote ang kapayapaan, stability, at maritime cooperation sa rehiyon. VERLIN RUIZ/ REA SARMIENTO