JAPAN POULTRY PRODUCTS IMPORT BAN, INIUTOS NG DA DAHIL SA BIRD FLU OUTBREAK

JAPAN POULTRY PRODUCTS

PANSAMANTALANG ipinagbawal ng pamahalaan ng Filipinas ang pagangkat ng mga poultry product mula sa Mitoyo City sa Kagawa, Japan dahil sa outbreak ng H5N8 highly pathogenic avian influenza (HPAI) sa naturang lugar.

Sa isang memorandum order na may petsang November 18, ipinag-utos ni Agriculture Secretary William Dar ang agad na pagbabawal sa importasyon ng domestic at wild birds at kanilang mga  produkto, kabilang ang poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen.

Sinuspinde rin ang pagproseso, evaluation ng aplikasyon at pag-iisyu ng sanitary and phytosanitary (SPS) import clearance sa lugar sa Japan.

Gayundin ay iniutos ng ahensiya ang pagharang at pagkumpiska sa lahat ng shipments mula sa naturang lugar. f

Magugunitang noong Hulyo ay binuhay ng gobyerno ang bird flu task force nito matapos iulat ang kumpirmadong kaso ng avian influeza infection sa isang egg-producing farm sa Pampanga.

Magmula noon ay libo-libong manok na ang pinatay para mapigilan ang pagkalat  ng sakit na ayon sa pamahalaan ay ‘under control’.

Nauna rito ay pansamantalang ipinagbawal ng Filipinas ang importasyon ng poultry products mula sa Poland, na kinumpirma ang kaso ng H5N8 HPAI.

Comments are closed.