JAPAN SHIPPING COMPANIES TULOY SA PAGKUHA NG PINOY SEAFARERS

TOKYO, Japan- TINIYAK ng shipping companies sa Japan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy nilang iha-hire ang mga Filipino seafarers kasabay ng pasasalamat sa Philippine government sa pagsuporta sa mga inisyatibo na magpaghusay ang skills at expertise ng sea-based laborers.

“The Filipino seafarers play a big role. So having all said, Filipino seafarers are essential to Japanese shipping industry. And so we sincerely and strongly hope that there will continue to be a steady supply of professional and well-trained Filipino seafarers to work alongside us,” inihayag ni Junichiro Ikeda, pangulo ng Japanese Shipowners’ Association (JSA) at chairman ng Mitsui OSK Lines, kay Pangulong Marcos sa kanyang pagdalo sa ginanap na shipowners’ meeting dito kahapon.

Sinabi ni Ikeda na naniniwala siya sa kalidad ng trabaho ng Pinoy.

“We also expect that quality standard of the Filipino seafarers to continue to improve, as the Philippine government continues to work hard to achieve this,” ani Ikeda.

Nais ng JSA ang tulong ni Pangulong Marcos at tiyakin ang steady supply ng Filipino seafarers.

Sa panig naman ng Pangulo ay nangako ito sa Japanese shipping companies na ang kanyang administrasyon ay magpapatuloy na magtrabaho para matiyak ang ready pool ng highly-skilled Filipino seafarers na kailangan ng Japanese maritime companies.

“The JSA has the assurance of the Philippine government that we will continue to work together as a team, as partners, in ensuring that your requirements for more seafarers shall be met because, clearly, you care for them very much and they are in good hands while under your employment,” pagtiyak ng Pangulong Marcos sa meeting sa chief executive officers (CEOs) ng Japanese shipping companies dito.

Kinilala rin ng Punong Ehekutibo ang investments ng Japanese shipowners sa maritime training schools sa Laguna at Balanga, Bataan, na may 1,200 cadets per school per year.

Sinabi ni Marcos na ang hiring ng Filipino cadets ng Japanese shipowners ay magseseguro ng sustainability manpower resource pipeline ng Pilipinas.

Aabot sa 75 porsiyento ng mga ng crew ng mga Japanese shipping companies ay mga Pilipino at may naitalang 6,600 Filipino seafarers kada taon ang naide-deploy sa loob ng nakalipas na sampung taon. EVELYN QUIROZ