JAPAN SUPORTADO ANG AGRI, INFRA AT PEACE PROCESS SA MINDANAO

ISANG araw makaraang makuha muli ang suporta ng European Union, nakatanggap din ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa ranking Japanese lawmaker para sa pagsulong ng agriculture, infrastructure, defense at security, gayundin sa Mindanao peace process.

Igiinit din ni PBBM na sa mga hakbang sa pagsulong sa aspeto ng mga nabanggit ay ang digitalization maaaring makatulong ang Japan.

Sinabi ni Moriyama Hiroshi, chairman ng Japan-Philippines Parliamentarians Friendship League (JPPFL) na mahalaga ang agrikultura.

“Regarding the agriculture, we see — it is important and also the digital relation. Also, agriculture infrastructure is also very important,”pahayag ni Hiroshi kay Pangulong Marcos.

Interesado rin ang Japanese lawmaker sa government-to-government cooperation upang mapalakas ng dalawang bansa ang defense industry habang sinabi na ang Piilipinas ay isa sa unang kandidato para sa Official Security Assistance nila.

“We’d also like to see government-to-government (G2G) cooperation on strengthening the defense industry, which is a priority. That’s why regarding the OSA, Official Security Assistance, the Philippines is one of the first candidate countries for OSA,” anang Japanese lawmaker.

Ikinagalak din ni Moriyama ang mga tagumpay ng Pilipinas sa asperto ng depensa lalo na ang pagpapatupad ng joint training sa mga nakaraang buwan.

Sa pagpupulong, sinabi ni Pangulo na ang pagkakaroon ng malakas na sektor ng agrikultura ay naging pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon upang matiyak ang seguridad sa pagkain at mabago ang ekonomiya.

“It is something that we feel is important, not only for the survival of our populace, the food supply of our populace, but also it is necessary…..if the rest of our industrialization can continue, if the rest of our digitalization can continue, it must be based on a strong foundation of agriculture sector,” anang Pangulo.

Tiniyak din nito kay Moriyama ang “very strong partnership” ng Pilipinas at Japan.

Pagdating naman aniya sa impraestruktura at agrikulura, ang Japan, ayon sa Pangulong Marcos, ay partner na ng Pilipinas sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at nakakapag-load din sa Asian Development Bank (ADB).

“The support that we are receiving from Japan in this regard, in terms of our equipment, in terms of our interoperability operations, are valuable, I think, for both our countries and I believe that we should strengthen that.

We should continue that and continue to be in partnership as we face the different, the volatile situation that we have in our region,” dagdag pa ng Pangulo.
EVELYN QUIROZ