JAPAN TRAVELLERS DADAAN SA BUTAS NG KARAYOM

IPINAG-UTOS ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na magsagawa ng paghihigpit kaugnay sa clearing ng filipino visas with intra-company transferee papuntang Japan lalong lalo na ang short-term visitors, students at engineer specialist in humanities at international services.

Ito ay makaraang makatanggap ng report ang ahensiyang na ang mga visang ito ay ginagamit ng unscrupulous recruiters upang madaling makalusot ang kanilang mga biktima sa kamay ng immigration.

Pahayag ng taga Bureau of Immigration ay upang ma-exempt ang mga pasaherong ito sa pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Pinalalabas na ang mga pasaherong may hawak ng nasabing visa ay pupunta sa Japan sa loob ng maikling panahon,ngunit ang katotohanan ay magtrabaho ito sa naturang bansa

Kaya’t agad naman ipinag-utos ni Atty. Carlos Capulong, BI port operations chief, sa kanilang immigration inspectors na naka-assigned sa ibat-ibang ports na maging metikuloso sa pag-screen ng Japan bound travellers. FROILAN MORALLOS