Mga laro sa Martes:
(Philsports Arena)
9:30 a.m. – PetroGazz vs Farm Fresh
12 noon – Cignal vs Foton
4 p.m. – Akari vs Chery Tiggo
6:30 p.m. – Choco Mucho vs F2 Logistics
ANG Kurashiki Ablaze ng Japan at ang Kinh Bac-Bac Minh ng Vietnam ang dalawang foreign guest teams na magpapainit sa semifinal round ng Premier Volleyball League Reinforced Conference.
Ang mid-season tournament ay kasalukuyang nasa nine-day break upang magbigay-daan sa Volleyball Nations League Week 3 at magpapatuloy ang aksiyon sa Martes na may four-match bill sa Philsports Arena.
“In line with the PVL 2023 Invitational Conference, it is with great excitement to inform everyone of the two (2) official foreign guest teams who will be participating in this conference,” pahayag ng liga sa website nito kahapon.
Ang Kurashiki City-based club ay kasalukuyang naglalaro sa third-tier Japan B.League.
Ang koponan ay pumangalawa sa 12th National Volleyball League, nagwagi sa 13th National Six-Man Volleyball League Western Tournament, af third placer sa 13th National Volleyball League Grand Champion Match.
Ang pinakamalaking credential ng Kinh Bac-Bac Ninh ay ang first place finish noong 2018 na nagbigay sa Vietnam club ng karapatang lumahok sa National Championship.
Sa unang taon ng pagsabak kontra pinakamalalakas na koponan, ang Kinh Bac-Bac Ninh ay nagwagi ng bronze medal noong 2019 at nagawang manatili sa podium sa sumunod na taon.
Noong nakaraang season, ang KingWhale Taipei ang lumahok bilang nag-iisang foreign guest squad makaraang umatras ang Kobe Shinwa ng Japan sa Invitational matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa mga miyembro nito. Nakapasok ang Taiwanese sa finals ngunit natalo sa eventual champion Creamline.