JAPAN VS KOREA SA FINALS

Badminton

NAGTALA ang reigning champion Japan at fellow East Asian squad Korea ng contrasting wins laban sa  Southeast Asian powerhouses Malaysia at Thailand upang umabante sa championship round ng 2020 SMART Badminton Asia Manila Team Championships kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Sa pangunguna ni dating world no. 1 Akane Yamaguchi, magaan na dinispatsa ng Japan ang  Malaysians, 3-0, upang umusad sa ikalawang sunod na finals sa torneo na suportado ng SMART Communications, Inc., MVP Sports Foundation, Leisure and Resorts World Corporation, Cignal, atTV5.

Inihatid ni Sayaka Takashi ang defending champions sa final makaraang dominahan si Selvaduray Kisona sa 45-minute duel, 21-13, 21-13.

Unang rumesbak si Yamaguchi kay Soniia Cheah sa opening singles match sa pamamagitan ng dikit na 21-17, 21-18 panalo, na naglagay sa Japanese sa board. Kinuha ni Cheah ang kalamangan para sa  Malaysians sa kanilang group phase encounter sa tatlong laro.

Nalusutan nina Yuki Fukushima at Sayaka Hirota ang mahabang paghahabol upang kalaunan ay pigilan sina Lee Meng Yean at Yap Cheng Wen, 21-11, 21-4, at ilagay ang kanilang koponan sa trangko sa 2-0.

Sa iba pang semifinal tie, namayani ang Korea sa marathon battle laban sa Thailand upang samahan ang Japan sa winner-take-all tie.

Nakontrol nina Kim Seo Yeong at  Kong Hee Yong ang  third game, 21-13, upang pataubin sina Chayanit Chaladchalam at Phataimas Muenwong sa ikalawang doubles match.

Kinuha ng Korea ang 2-0 bentahe nang igupo ni An Se Young at ng duo nina Lee Seo Hee at Shin Seung Chan sina Busanan Ongbamrungpohan, at Jongkolphan Kitithatrakul at  Rawinda Prajongjai, ayon sa pagkakasunod.

Ginapi naman nina Lee at Shin ang kanilang  Thai opponents, 12-21, 21-19, 21-11.

Comments are closed.