NASA bansa ngayon ang negosyanteng hapones na si Taro Hirai upang libutin ang Isla ng Filipinas at maiabot ang kanyang tulong para sa mga nangangailangan lalo na ang mga may sakit na cancer.
Sa kabila ng ‘di umanoy panloloko sa kanya ng mga Filipino na kanyang naging kasosyo sa negosyo ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa mga ito dahil ramdam niya na may pitak sa kanyang puso ang ating bansa at hindi naman lahat ng tao ay magkakapareho ng kaugalian kaya walang nakahadlang sa kanya upang mamahagi ng tulong sa iba’t ibang foundation na tumanggi na siyang pangalanan dahil ang mahalaga ay nakatulong sa pangangailangan ng iba.
Isa rin sa isinusulong ni Hirai ang madala niya sa bansa ang makabagong teknolohiya sa Japan kung saan mayroon siyang machine na kung tawagin ay THERMOTRON RF8 na makatutulong sa mga taong may cancer sa loob lamang ng maikling oras kung saan ‘di umanoy mapababagal nito ang paggalaw ng cancer cells hanggang sa tuluyan na itong mamatay sa pamamagitan ng paglunas ng HYPERTHEMIA.
Si Taro Hirai ay ipinanganak noong Mayo 13, 1974 sa Osaka, Japan at bihasa sa wikang Hapones at Ingles.
Nagtapos siya ng MA in Sociology at siya ngayon ay Managing Director ng Hirai Construction Co., Inc. na pagmamay-ari na ng kanilang pamilya kung saan halos 150 taon ng pinatatakbo at pinangangalagaan. TERE BRIONES
Comments are closed.