PANGASINAN – NANGANGAMBA ang Department of Health (DOH) sa mga naitatalang pagtaas ng kaso ng Japa-nese encephalitis (JE) sa bansa.
Kabilang sa partikular na binabantayan ng DOH ay ang Region 1 dahil ayon sa tala, ang Pangasinan ang may pinakamataas na bilang ng nasabing sakit.
Ang Japanese encephalitis ay pamamaga ng utak dulot ng virus na maaaring makuha sa kagat ng lamok.
Nakamamatay ang sakit na ito na karaniwang tumatama sa mga sanggol at bata.
Ilan sa mga sintomas ng nabanggit na sakit ay mataas na lagnat, panlalamig, pagkahilo, labis na pagkapagod at pagsusuka.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng mga health authorities ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak. MARY CARLOS