IPINAKILALA ng isang lokal na sangay na Japanese company sa merkado ng Pinas ang pre-cooked, ready-to-eat rice products gamit ang kakaibang teknolohiya ng kanilang mother company.
Inilunsad noong nakaraang taon ng BiotechJP Corp., na nakabase sa probinsiya ng Batangas, ang Echigo, isang pre-cooked, protein-reduced rice na layon ay para sa mga taong may karamdaman sa kidney.
Nagsasagawa sila ng commercial distribution ngayong taon para sa tatlo pang produkto—Insta Rice (regular, precooked rice na kailangan lamang i-microwave), Gohan Lite (calorie-reduced precooked rice, na iinitin lamang), at Rice-to-Go (ready-to-eat rice na puwede nang kainin kahit hindi initin).
Ang apat na produkto, na ibinebenta sa 200-gram packs, ay gamit ang locally grown Rc-160 rice, na malapit sa katangian at kalidad ng Japanese rice, sabi ni Trisha Ann Garcia, ang general manager ng kompanya.
Ang mga produkto ay lisensiyado ng gobyerno, ng Food and Drug Administration at tatagal ng anim na buwan hanggang isang taon, dagdag pa niya.
“Our product is rice, and for Filipinos, ‘rice is life.’ So, our chairman, Kiyosada Egawa, sees a big market here,” pahayag ni Garcia, na isang professional nutritionist, sa isang panayam.
Ang main company ng Egawa, ang Biotech Japan Corp., ay binuksan noong 1994 at nakabase sa Niigata Prefecture, bandang timog ng Tokyo, na nakaharap sa dagat ng Japan.
Ang sangay sa Filipinas ay nag-iisa sa labas ng Japan at ito ay itinayo noong Abril 2015, at nagsimula ang commercial operations noong Enero 2017. Sa ngayon, ito pa lamang ang kompanya na nagpoprodyus ng pre-cooked, packed rice sa bansa.
“Our challenge here in the Philippines is that, Filipinos are used to eating rice straight from the pot. We are still not used to opening a pack, placing it in the microwave oven, and then, having your rice ready to eat in two minutes,” saad ni Garcia.
Kaya, para umayon dito sa traditional lifestyle barrier, nagsasagawa ng marketing ang kompanya sa pamamagitan ng exhibits, ang pinakahuli ay ang isinagawa sa National Kidney and Transplant Institute, at tinarget ang mga mamimili mula sa top two income classes.
Sinabi ni Garcia na ang Echigo, na siyang pinakaunang produkto sa Japan, ay produkto ng fermentation gamit ang plant-origin lactic acid bacteria. May mababang protein content, maganda itong supplement sa mga pagkain ng mga tao na nagdaraan sa chronic kidney disease.
Ang Filipinas ay may alarming prevalence of kidney disease, at sinasabi ng medical experts na isa sa mga Filipino ay nasasawi sa sakit na ito bawat oras, na naging ikapito sa nagiging sanhi ng kamatayan sa bansa. Base sa huling datos na nakuha sa National Kidney and Transplant Institute, mayroong 32,077 dialysis patients sa buong bansa noong 2015, at patuloy na nadadagdagan ng 15 porsiyento ang bilang bawat taon.
“This is very important — before, the main cause was chronic glomerulonephritis; now, it’s mainly diabetes mellitus and hyper-tension,” pahayag ni Rose Marie Liquete, executive director ng NKTI tungkol sa kidney cases sa Filipinas.
Ayon naman kay Romina Danguilan, deputy director for medical education ng NKTI, na habang nakatutulong ang protein-reduced rice tulad ng Echigo sa kidney patients, kailangan pa ring magsagawa ang NKTI ng kanilang pag-aaral para patunayan ang pagiging mabisa nito.
Ayon kay BiotechJP’s Garcia, sa limang taong pag-aaral sa Japan na ang pagkain ng Echigo na tiningnan doon sa mga kumain at nagkaroon ng clinical trial ay nagpakita ng significant decrease sa urinary protein excretion.
Mula nang ito ay ilunsad sa Filipinas noong nagdaang taon, ang Echigo, na mabibili sa retail price ng P55 pesos bawat pakete, ay ibinabahagi na sa ilang dialysis centers sa Maynila.
Makikita ang produkto sa ilang sangay ng isang supermarket at sa online store kung saan ang Insta Rice at Gohan Lite ay mabibili rin.
Dahil ito ay walang added value, ang Insta Rice ang pinakamura sa retail price na P35, habang ang Gohan Lite ay mabebenta sa P45.
Base sa initial assessment, ang Gohan Lite ang may pinakamalakas na tanggap ng mamimili dahil sa mababang calorie content, ani Garcia. Ito ay inirerekomenda rin sa mga may diabetes at doon sa may low-calorie diets.
Samantala ang Rice-to-Go, ay ibebenta primarily sa gobyerno, lalo na sa Department of Social Welfare and Development, dahil ito ay ikinokonsidera na “emergency rice,” layon para sa emergency at disaster situations. Ang magiging retail price ay 25 piso.
Sinabi ni Garcia na umaasa ang kompanya na darating ang panahon na lalawak ang bilang ng mga tindahan na magbebenta ng kanilang produkto, ganoon din sa pamamahagi nito.
Base sa kasalukuyang demand, ang kompanya ay makapagpoprodyus ng estimated 60,000 packs sa lahat ng apat na produkto sa isang buwan.
“If there’s need for more, we can add more production staff,” ani Garcia, dagdag pa na ang production plant ay kasalukuyang gumagamit lamang ng kalahati ng kanilang buong espasyo.
Bagamat ang iba ay may duda na ang kanilang produkto ay hindi agad matatanggap ng mga Filipino dahil ito ay “brand new lifestyle” sa pagkain ng kanin at ang presyo ay medyo may kataasan kompara sa tradisyunal na inihahandang kanin, sinabi ni Garcia na kumukuha ng kompiyansa sa katotohanan na ang mga Pinoy ay mahilig sa kanin, at ang bilang ng mga health-conscious na consumer na patuloy na dumarami.
“Eventually, we would like to introduce the ‘bottled water’ story to the Filipinos. Before, when you bought bottled water, they would say you are crazy because you can just get water from the faucet. But eventually, Filipinos got used to buying bottled water for 20 pesos anywhere. We would want that to happen to our products,” sabi niya.
Dagdag pa niya, na ang kompanya ay makakukuha ng pag-asa sa lumalagong middle class sa bansa, at nagpapakita ang trend ng mga consumer ng isang kilalang international coffee shop, na nagsimula lamang sa top two income classes at bandang huli ay lumawak na kasama na rin ang lower income classes.
Bukod sa apat na produkto, gumagawa pa ang BiotechJP ng low-calorie rice grain, gayundin ang marami pang klase ng kanilang packed pre-cooked rice na maaaring samahan ng ulam o sarsa, isang halimbawa nito ay ang “adobo rice, na akmang-akma sa mga Filipino.”
Comments are closed.