NAGKALOOB ang Takara Inc., isang Japanese company na dalubhasa sa mga produkto ng bawang, ng black garlic (BG) processing machine sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa siyudad ng Laoag para matulungan ang mga unibersidad na maging unang institusyon ng Filipinas para kalakalin ang produksiyon ng black garlic sa bansa.
Ipinasa ng mga kinatawan ng Takara Inc., sa pamumuno ng kanilang presidente na si Kimio Takarada, ang makina kay MMSU president Shirley Agrupis sa isang simpleng seremonya na ginanap sa S&T (science and technology) Park kamakailan, at nagpaha-yag ng pangako para matulungan ang unibersidad at ang provincial government ng Ilocos Norte para pasiglahin ang industriya ng bawang sa probinsiya.
Sa isang panayam, sinabi ni Agrupis na tunay na pinagpala ang unibersidad at ang kanilang probinsiya dahil sa tie-up sabay sabing “because as soon as BG is commercialized in Ilocos Norte, garlic farmers will become the direct beneficiaries of this effort and that the production of fresh garlic in the province will be improved”.
Ang makina na nakalagak sa Food Processing and Innovation Center (FPIC), ng unibersidad ay nasa ilalim ng superbisyon ni Dr. Marlowe Aquino, S&T Park director at kasalukuyan ding director ng Garlic Research Center (GRC).
Ang Takarada group, na dalubhasa sa produksiyon ng black garlic at iba pang prutas, gulay at processed products, ay matagal na naghahanap ng pakikipagpalitan ng teknolohiya ng bawang sa pagitan ng MMSU at Japan.
Noong nakaraang taon, pumasok ito sa isang partnership sa pagitan ng MMSU at Ilocos Norte para magabayan ang mga mag-sasaka na makaprodyus ng mas malalaking garlic bulbs at iba pang produktong may kalidad.
Matapos ang turnover ceremony, nakipagmiting ang mga bisitang Hapon sa mga opisyal ng unibersidad at iprinisinta ang fea-sibility survey para sa tumataas na produksiyon ng bawang sa Ilocos Norte, kasama ang kanilang plano na ipatupad ang produksiyon ng black garlic sa layon na mabago ang kabuhayan ng mga magsasaka sa bansa.
“The expected outcome of this effort is to increase the garlic yield of farmers in the province from an average of 3.5 tons to 7 tons,” pahayag ni Hideto Daiko, miyembro ng Takarada group.
Napansin ni Daiko na ang development effort na ito ay suporta ng gobyerno ng Filipinas sa pagpapatupad ng National Garlic Development Plan mula 2018-2022 sa pamamagitan ng paglikha ng task force para pasiglahin ang industriya ng bawang sa bansa.
Ang plano ay nakapaloob sa House Resolution No. 1312 na pinirmahan noong Setyembre 18, 2017.
Ito ay nasundan sa pagpirma ng memorandum of understanding (MOU) noong Setyembre rin ng nasabing taon sa pagitan ng probinsiya, MMSU, Takara Inc., at ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 para itayo ang kooperasyon at working arrangements para mapabuti ang produksiyon ng garlic at mag-develop ng mataas na uri ng produkto.
“That is why, we are challenged to support this program because of its potential impact on the farmers’ economy,” ani Daiko. “We merely produce 6 percent of the national demand, while Ilocos Norte is producing 70 percent”.
“Our priority is to increase garlic production and the farmers’ income, improve soil fertility, improve seed quality and sowing method, and introducing Japanese garlic cultivation technique here in Ilocos Norte,” dagdag ni Daiko. Ipinahayag nito na ang proseso ng BG at virus free seed production techniques ay kokonsiderahin.
Samantala, ini-report ni Dr. Dionisio Bucao ng MMSU’s GRC, na ang bayan ng Pasuquin, Burgos, Vintar at Sarrat ay nananatiling pangunahing producers ng sariwang bawang na may kabuuang produksiyon na 2,310 metric tons (MT), 606.5 MT, 592.5 MT, at 378 MT, ayon sa pagkakasunod noong 2017-2018 na production season. Ang Ilocos Norte ay nananatiling top producer ng bawang sa bansa. PNA
Comments are closed.