INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying Japanese na wanted sa Tokyo dahil sa kasong kinasasangkutan nito na pamdarambong.
Kinalala ni BI Fugitive Search Unit (FSU) Chief Bobby Raquepo itong suspek na si Fuminori Sato, 37 anyos , at nahuli ito nitong nakalipas na araw ng Huwebes sa headquarters ng Pasay City police station.
Nauna rito hinuli itong si Sato ng Pasay policemen sa loob ng isang Hotel , dahil sa paglabag ng Republic Act 9262 o iyong tinatawag na anti-violence against women and children.
Matapos makapaglagak ng kanyang bail para sa pansamantalang kalayaan , dinampot naman ito ng BI-FSU operatives batay sa isang mission order galing kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kaugnay sa pagiging overstaying.
Inaresto itong si Sato dahil sa utos ng Japanese embassy dito sa Manila, na siyang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kanyang nakabinbin na warrant of arrest na inisyu ng Japanese court laban sa suspek.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng BI mula sa police records ng Japan , na ipinagkatiwala kay Sato ang bank book ng kanyang kababayan noong taong 2012. Kung saan sinamantala nito na mag-withdraw ng 200,000 Japanese Yen o katumabas ng P100,000 at nilustay nito.
Batay sa imbestigasyon ng BI si Sato ay dumating sa bansa noong December 4, 2013 bilang isang turista at hindi na umalis nag-renew ng kanyang tourist visa hanggang ngayon.
Sinabi ni Morente na agad niya ito ipade-deport sa lalong madaling panahon kasabay sa paglalagay ng kanyang pangaln sa talaan ng mga blacklisted na dayuhan upang hindi muli makabalik sa Pilipinas. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.