JAPANESE IMPORTER BIBILI NG 100 MT MANGGA

PIÑOL-ANIMAS

BIBILI ng 100 metriko toneladang mangga ang isang  Japanese fruit importing company sa Filipinas.

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol na nasa Tokyo, Japan sa kanyang FB page, na ang Diamond Star Agro Products, Inc., na matagal nang nag-iimport ng papaya, pinya, mangga, saging at kahit singkamas na exclusive mula sa Filipinas, ang nagpahayag ng intensiyon na bumili ng mala­king volume ng mangga sa pamamagitan ng Philippine Agriculture attache sa Japan na Dr. Samuel Animas ngayong linggo.

Sinabi niya na inaasahang dadalo sa paglulunsad ang mga opisyal ng Diamond Star sa Metro Mango Marketing Program sa Lunes, Hunyo 10 sa Maynila.

Isinagawa ang programa para mismo sa mga magsasaka na makapag-unload ng kanilang ani kasunod ng sobrang produksiyon dahil sa ideyal na kondisyon ng panahon.

Sinabi ni Piñol na aaregluhin niya ang isang mi­ting sa pagitan ng Japanese fruit importers, na dara­ting sa Filipinas at sa mga magsasaka ng mangga sa Luzon.

Ang produksiyon ng mangga ay nadagdagan ngayong season na may tinatayang sobrang ani ng dalawang milyong kilo. Ito ay iniugnay sa El Niño phenomenon na nagkaroon ng positibong epekto sa mga taniman ng mangga.    PNA

Comments are closed.