JAPANESE INVESTORS NILIGAWAN NG BOHOL

Bohol

TOKYO, JAPAN – Binisita ni Bohol Governor Arthur C. Yap at ng iba pang opisyal ng  Bohol ang Japan sa isang business mission upang makaakit ng Japanese investments sa lalawigan kamakailan.

Isang investment seminar sa piling Japanese companies ang nagpasimula sa  business mission na co-organized ng Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Tokyo, sa pamumuno ni DTI Commercial Counsellor Dita Angara-Mathay noong Enero 21.

May 40 kinatawan mula sa Japanese companies na may kinalaman sa negosyo ng construction, waste management and treatment, hotel and tourism, at light industry manufacturing ang dumalo sa investment briefing kasama si Governor Yap at ang mga opisyal ng Bohol.

Ipinaliwanag ni Governor Yap na ang tourism revenues ang kasaluku­yang  nagpapalakas sa ekonomiya ng Bohol. Ang lalawigan ay kilala sa mundo dahil sa magagandang beaches nito, gayundin sa unique wildlife at natural geologic features.

Ang Danajon Bank na isa sa anim lamang na double-barrier reefs sa mundo, ang Chocolate Hills, at ang Tarsier na isa sa pinakamaliit na primates ang pangunahing atraksiyon na matatag­puan sa Bohol.

Sa lumalawak na kamulatan at potensiyal sa pag-akit sa mas maraming Japanese tourists at businesses, si Governor Yap ay nakikipagnegosasyon din para sa direct flights sa Bohol mula Japan.

Sa nakalipas na 30 taon, ang lalawigan ay tumanggap ng mahigit P20 billion na halaga ng Japan International Cooperation Agency (JICA) funding para sa mga proyekto tulad ng Bohol-Panglao International Airport, Bohol Circumferential Road, Bohol Irrigation Project, Leyte-Bohol Interconnection Project at iba pang agricultural projects.

Ayon kay Yap, nakikipagnegosasyon din sila para sa mas mara­ming JICA projects sa lalawigan.

“Bohol’s increasing tourist arrivals and growing local economy present opportunities and challenges,” wika ni Yap.

Hiniling niya ang tulong ng DTI team sa PTIC Tokyo upang makahika­yat ng  investors at technology partners sa Japan para sa mga proyektong direktang may kinalaman sa sustainable tourism.  Kabilang dito ang mga proyekto sa wastewater treatment at sewage and septage treatment, bulk water supply, at power generation.

Ipinaliwanang din niya ang viability ng investments sa retirement at medical facilities, cold storage, tourism and convention facilities, light industry manufacturing, agriculture and fisheries projects at roads and public transportation sa Bohol province.

Comments are closed.