JAPANESE LOAN FIRM PASOK SA PINAS

loan

PORMAL na inanunsiyo ng isang Japanese non-collateral loan company ang pagpasok sa bansa na may paid-in capital na mahigit sa P500 billion.

Ayon sa ACOM Co. Ltd., ang Philippine-based subsidiary nito ay nakarehistro bilang ACOM Consumer Finance Corporation.

“ACOM is very much delighted to be entering the Philippine market at a time when our target market, the middle-class earners, is strengthening their economic status,” wika ni ACOM Consumer Finance Corp. President Masaomi Gido.

Ang ACOM Consumer Finance ay isang joint venture sa pagitan ng ACOM Co. Ltd. ng Japan at ng ITOCHU Corp. ng Thailand.

Sa pahayag ni Gido, nagsimula na ang operas­yon ng kompanya sa bansa sa kaagahan ng buwan.

“We believe we can help further elevate the financial capacity of many Filipinos as we don’t just aim to commercially empower individuals but also to contribute to the local economy through job opportunities,” paliwanag niya.

Ang ACOM ay kasalukuyang nagkakaloob ng non-collateral personal loans na mula P5,000 hanggang P500,000, na may buwanang interes na 3.315 percent hanggang 4.563 percent.

Target ng kompanya ang mga indibidwal na may edad 21 hanggang 65,  ay may buwanang suweldo na P10,000 at pataas.

Sa kasalukuyan ay nakapokus, aniya, ang kompanya sa Metro Manila.

Comments are closed.