JAPANESE MAGNENEGOSYO SA DAVAO CITY

April Marie Dayap

UMAABOT sa 150 kinatawan mula sa Japanese companies ang naghayag ng interes na magnegosyo sa lungsod ng Davao lalo na sa larangan ng manufacturing, agri-tourism at environment-related projects.

Ito ay makaraang dumalo ang potential investors sa tatlong araw na Davao Japanese Community’s 100th Anniversary Business Seminar para maghanap ng posibleng business ventures sa siyudad.

Ayon kay April Marie Dayap, head ng Davao City Investment and Promotion Center (DCIPC), ang mga kalahok sa 3-day business seminar na nagtapos nitong Biyernes, nais malaman ng mga Japanese investor kung saang parte ng siyudad ang  mainam na maglagak ng negosyo.

Ang nasabing seminar ay isang malaking oportunidad para sa Davao City upang mapalawak pa ang foreign investment portfolio nito at upang magkaroon rin ng mas maraming trabaho para sa Dabawenyos.

Kaugnay nito, binisita naman ng mga opisyal mula sa Kita­kyushu, Japan ang ilang mga magagandang lugar sa lungsod alinsunod sa sa ika-100 anibersaryo ng Davao-Japanese community sa pangunguna mismo ng Mayor nito na si Hon. Kenji Kitahashi.

Comments are closed.