JAPANESE PRIME MINISTER ABE NAGBITIW DAHIL SA SAKIT

Shinzo Abe

NAGBITIW  na sa puwesto si Japanese Prime Minister Shinzo Abe dahil sa problema sa kanyang  kalusugan.

Naging sentro ng mga ispekulasyon ang kalusugan ni Abe matapos itong sumailalim sa pagsusuri sa Keio University Hospital sa Tokyo noong Agosto 14, at kalaunan ay bumalik para sa follow-up examination.

Sinasabing mayroon itong ulcerative  colitis. “Now that I am not able to fulfil the mandate from the people with confidence, I have decided that I should no longer occupy the position of the prime minister,” pahayag ni Abe.

“I would like to sincerely apologise to the people of Japan for leaving my post with one year left in my term of office, and amid the coronavirus woes,” pahayag pa nito.

Inaasahang hanggang Setyembre 2021 pa mananatili si Abe sa kanyang posisyon kaya nagulat ang lahat sa desisyon nito.

Bumagsak ang Tokyo stocks  ng mahigit sa dalawang porsiyento  hanggang Biyernes ng hapon nang lumabas ang balitang pagbibitiw ni Abe.

“It was a big surprise”, pahayag naman ni Shinichi Nishikawa,  isang propesor  ng  political science sa Meiji University in Tokyo.PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.