JASMINE CURTIS SMITH: WALANG MALIIT NA ROLE

JASMINE CURTIS SMITH-2

wallfaceMARAMI ang pumuri kay Jasmine Curtis Smith nang mapanood siya sa “Sahaya’ nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Nag-trending din ang kanyang acting at maging ang kanyang kapatid na si Anne Curtis na isang Kapamilya ay hindi pinalagpas panoorin ang “Sahaya” at sa kanyang social media post ay binati niya ang nakababatang kapatid at nakiusap pa sa GMA-7 na bigyan pa ng mas marami pang meaty role ang kapatid.

All out support talaga si Anne kay Jasmine. Maging ang netizens ay panay ang pa­puri ang binigay sa acting ni Jasmine.

Pero may nagtataka rin kung bakit naman sa dinami-rami ng role na puwede niyang gawin ay pumayag daw itong si Jasmine na maging ina ng isa pang young actress na si Bianca. Say naman ng young actress, wala naman daw eksenang magkasama sila ni Bianca at si Mylene Dizon na raw ang lalabas na ina ni Bianca sa kanyang pagdadalaga ni Sahaya.

Isang dahilan kung bakit tinanggap ni Jasmine kahit maikli lang ang kanyang role ay sapagkat feel na feel niya ang ma­kaganap bilang isang katutu-bo. At dahil sa kagustuhan na ito ni Jasmine ay nag-aral pa siya ng kultura, tradisyon at pananalita ng isang Badjao.

Aliw na aliw naman si Jasmine sa ginawang pag-aaral at halos hindi na sila nagkakaroon ng bonding time ng non-showbiz boypren. Maging sa ar-aw ng kapanganakan ng syota ay hindi kasama ni Jasmine ang boypren dahilan na rin sa sobrang tutok sa “Sahaya”.

Nangako naman si Jasmine na babawi sa boypren sa pagtatapos ng taping niya sa “Sahaya”.  Mabusisi kasi ang taping ng “Sahaya” at nanga­ngailangan ng maraming oras para sa preparasyon. At halos lahat ng eksena ni Jasmine ay pasabog sa ganda at acting.

LOVI POE INSPIRASYON NG MGA FLAT CHESTED

LOVI POEYOUNG sexy actress ang career image ni Lovi Poe. Mula sa pagiging singer ay pumaimbulog si Lovi sa showbiz sa pamamagitan ng sexy roles na tinanggap naman ng masa. At siyempre dahil nagle-level up ang pa-sexy image, ma­rami na rin ngayon ang namba-bash kay Lovi sa pagsasabing wala naman daw kurba ang kanyang katawan at flat chested pa.

Alaga ni Lovi ang kanyang katawan kung kaya madalas din siyang mag-work out. Mahilig din siya sa beach. At para kay Lovi, nais niyang maging isang inspirasyon sa mga kababaihan na nakakatanggap ng mga bash pagdating sa katawan at boobs.

Say ni Lovi, proud siya kung anuman meron siya sa katawan. At kung ano man daw ang meron siya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay nais ni Lovi na walang baguhin dito. Para kay Lovi, lahat ng negative comment na binabato sa kanyang pangangatawan ay dinadala niya sa positive side.

Inamin din niya na naniniwala siya sa ‘love yourself’ at isa siyang advocate ng love your body. Sabagay hindi lang naman si Lovi ang maituturing na sexy kahit flat chested.

Comments are closed.