JASON ABALOS ALL OUT PA RIN ANG SUPORTA SA GF

EARLY favorite to win a crown sa Bb. Pilipinas si Vickie Rushton, ang girlfriend ng Kapuso actor na si wallfaceJason Abalos. At nang maiproklama na ang mga nanalo, walang nakuhang puwesto si Vickie. Ma­rami ang nagkomentong dahilan na rin sa hindi magandang naging sagot niya sa Q&A portion ng naturang beauty contest.

Say ni Vickie sa isang panayam, na out-of-focus diumano siya nang may tumayo sa audience at nag-make face sa kanya. Ki-tang-kita naman ang biglang pag­hinto ni Vickie sa kanyang pagsagot at medyo nawala sa kanyang sinasabi.

Sa pangyayaring ito, natanong si Vickie kung ano na ang susunod niyang plano pagkatapos na sinawing-palad siyang ma-kasungkit ng korona, ani ng beauty queen, sa ngayon ay wala pa raw siyang plano sa kung anong susunod niyang hakbang pag-dating sa pagsali sa beauty contest.

Pagdating naman sa kanyang boypren na si Jason Abalos, ani ng actor, all out ang support niya sa girlfriend, win or lose. Dag-dag na say pa ni Jason, alam niyang lumalaban si Vickie sa national beaucon hindi para sa sariling kapakanan. Lumalaban siya para sa iba. Kahit sumali pa ulit si Vickie sa ibang national beaucon, suportado pa rin siya ng boypren.

GLAIZA DE CASTRO NAHIHIRAPAN SA LDR

GLAIZA-DE-CASTROPAGDATING sa kanyang karir, very much happy si Glaiza de Castro sa takbo nito. At pagdating naman sa kanyang lovelife ay happy naman si Glaiza pero aminado ang actress na hirap siya ngayon sa kanyang personal na buhay. Hirap in a sense na long distance relationship sila ng kanyang foreigner boypren na Ireland based.

Saad ni Glaiza, ngayon taon ay dalawang beses pa lang niya nakasama ang boypren sa Pinas, noong buwan ng Enero at Mayo. Halos isang taon na rin ang kanilang relasyon kung kaya kahit paano ay nasasanay na rin ang actress sa LDR. Pero dahil na rin sa tagal na hindi nagkaroon ng lovelife ang actress at nang magkaroon naman ay malayo sila sa isa’t isa, hindi ganu’n kadali para kay Glaiza ang makapag-adjust sa kanilang sitwasyon, pero dahil sa mahal talaga ang dyowa ay kineri ni Glaiza ang kanilang long-distance relationship. Hanggang kailan kaya kakayanin ni Glaiza ang ganitong sitwasyon lalo pa nga’t nasa stage pa sila ng getting to know each other.

Base na rin sa mga artistang nagkaroon ng LDR, masasabing magtatagal ang relasyon kung isa ang magsasakri­pisyong bita-wan ang kanyang trabaho at sundan ang kanyang mahal.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *