Handa raw makipagtulungan si Jay Manalo sa pagsasadrama ng buhay nito sakaling matuloy.
Okay lang daw na side character lamang siya — kapatid ni Julius — dahil iyon naman talaga ang role niya sa tunay na buhay sa kanyang half-brother.
Nakakatuwang kahit magkapatid lamang sila sa ama ng babaero nilang tatay ay nagsusuportahan sila sa isat isa.
Maituturing na international playboy ang kanilang amang si Eustaquio Manalo, Jr., dahil isipin mo, Vietnamese ang nanay ni Jay at Korean naman ang mother ni Julius. Malay natin, baka may maglabasan pang ibang anak sa labas, na iba-iba rin ang nationality. Pwedeng magtayo ng United Nations, di po ba? At kung euro Asians naman, ASEAN.
Nakakatawa lang pag-usapan pero hindi nakakatuwa ang pinagdaanan ng mga batang ito. Biruin mo yung malayo ka sa nanay mo na six years old ka pa lang! Hirap lumaking walang nanay.
In fairness kay playboy Manalo, mukhang maayos naman siyang tatay. Lumaking mahusay na actor si Jay na kinikilala ng lahat, at si Julius naman, matinong pulis raw ayon sa sources namin. Yes, he really must be a good parent.
I remember Jay Manalo na naging student ko sa STI College Recto. Sandali lang. Lumipat daw sa San Sebastian College dahil doon din nag-aaral si Alice Dixon. Ewan ko lang kung pareho silang naka-graduate.
I remember him clearly dahil lagi kong napapagalitan. Lagi kasing tulog, puyat siguro sa shooting. Kasikatan kasi niya noon sa Totoy Mola, na ang writer ay kasamahan ko sa Carlo Publishing. Magalang na bata si Jay. Nagkakamot lang ng ulo pag napapagalitan.
Mukhang mabait din si Julius. Siguro, dapat nating i-congratulate si playboy Manalo.
RLVN