Nag-aral ang Walang Tulugan protégé ni Kuya Germs (German Moreno) na si Chad Angeles ng online marketing lessons sa panahon ng lockdown para maging busy sa bahay. Ginawa niya ito para sa kanyang corporate position. Bago ito para tumulong din sa business ng kaibigan.
Pero, last December 12, 2020, naging busy si Chad sa Survival Mode: Light of Hope, isang online Christmas concert for a cause na streamed. Producer ng show ang Trizach Events.
Kilala si Chad sa kanyang music genre tulad ng jazz at ballad.
Hinangaan si Chad sa online concert sa mga waiting Warrior is a Child at To Where You Are. Nai- dedicate ni Chad ang mga awitin para sa mga Covid -19 victims.
Maraming concert nang nasalihan si Chad. Pero very special ang nakaraang concert dahil ang proceeds ay pumunta sa charity organization. Tulad ng foundation ng Collengco at PISO.
Julie Anne San Jose, excited maka-eksena si David Licauco!
Bagong love team nina Julie Anne at David Licauco na tiyak na pakikiligin ang kanilang fans! May chemistry ang dalawa na tiyak na tatanggapin ng lahat.
Sa muli niyang pagsabak sa acting, masayang ibinahagi ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne ang kaniyang excitement sa magiging role sa upcoming series sa GMA News TV na ‘Heartful Cafe.’
Nakatakdang ipalabas ang nasabing serye sa 2021 at makakatambal ni Julie rito ang Kapuso actor na si David Licauco. Makakasama rin nila ang iba pang Kapuso stars kabilang na sina Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Andre Paras, at marami pang iba.
Gaganap si Julie bilang si Heart Fulgencio, isang online romance novelist at coffee enthusiast na nagmamay-ari ng The Heartful Café, isang cozy coffee shop.
Abangan ang ‘Heartful Cafe’ soon on GMA News TV!
Comments are closed.