JAZZ HINIYA NG PACERS

NAGBUHOS si Malcolm Brogdon ng game-high 30 points at tinapos ng Indiana Pacers ang four-game road trip sa pamamagitan ng 111-100 panalo laban sa Utah Jazz sa isang ‘wild game’ Biyernes ng gabi sa Salt Lake City.

Isang gabi makaraang matalo sa Denver laban sa Nuggets team na naglaro na wala si  suspended MVP Nikola Jokic, ang Pacers ay dehado kontra Jazz team na kumpleto ang  starters at malinis ang home record papasok sa laro.

Gayunman ay tinapos ng Utah ang laro na wala ang tatlo sa kanilang key players makaraang mapatalsik sa laro sina Donovan Mitchell (26 points), Rudy Gobert (19 points, 11 rebounds) at Joe Ingles kasunod ng kaguluhan na nagresulta rin sa pagkaka-eject ni Pacers starting center Myles Turner sa huling apat na minuto.

Abante ang Indiana sa 102-92, nasangkot sina Gobert at Turner sa pisikal na away na muntik nang mauwi sa labo-labo sa 4:01 mark ng fourth quarter.

Clippers 112, Heat 109

Tumirada si Paul George ng 27 points at nagdagdag si Reggie Jackson ng 22 nang palawigin ng Los Angeles ang kanilang winning streak sa anim na laro sa pamamagitan ng panalo laban sa bisitang Miami.

Nag-ambag si Eric Bledsoe ng 21 points para sa Clippers na binura ang maagang 17-point deficit at pagkatapos ay pinigilan ang late run ng Heat upang umangat sa 3-0 sa pagsisimula ng six-game homestand.

Nakalikom si Bam Adebayo ng 30 points at 11 rebounds para sa Heat. Naitala ni Kyle Lowry ang 22 sa kanyang 25 points sa fourth quarter at nalasap ng Miami, naglaro na wala sina Jimmy Butler (ankle) at Markieff Morris (neck), ang ikatlong sunod na pagkatalo at ikaapat sa huling limang laro matapos ang 6-1 simula.

Raptors 115, 76ers 109

Umiskor si Fred VanVleet ng 32 points, kabilang ang isang clutch 3-pointer sa huling 24.8 segundo ng laro, upang pangunahan ang Toronto laban sa host Philadelphia.

Nagdagdag sina Gary Trent Jr. at OG Anunoby ng tig-20 points at tumipa si Chris Boucher ng 17 para sa Raptors, na pinutol ang three-game losing streak.

Nanguna si Tyrese Maxey para sa Sixers na may 33 points at bumalik si Tobias Harris mula sa six-game absence dahil sa health and safety protocols upang gumawa ng 19 points, 7 rebounds at 7 assists.