NAGTALA si Jordan Clarkson ng 27 points at 9 assists mula sa bench at giniba ng Utah Jazz ang defending NBA champion Denver Nuggets, 124-111, Miyerkoles ng gabi sa Salt Lake City.
Nagdagdag si Lauri Markkanen ng 26 points at 12 rebounds para sa Jazz na nagwagi sa ika-9 na pagkakataon sa kanilang huling 11 laro. Nanalo ang Utah sa kanilang huling tatlo, pawang laban sa elite teams, simula sa road victories kontra Philadelphia 76ers noong Sabado at Milwaukee Bucks noong Lunes.
Umiskor si Collin Sexton ng 22 points at nag-ambag si John Collins ng 15 para sa Utah, na umabante ng hanggang 25 points. Bumuslo ang Jazz ng 55.4 percent mula sa field at naipasok ang 13 of 33 3-point attempts.
Nagposte si Nikola Jokic ng 27 points sa 8-of-9 shooting at kumalawit ng 11 rebounds para sa Denver, na natalo sa ika-4 na pagkakataon lamang sa nakalipas na 16 games. Nagdagdag si Jamal Murray ng 17 points, habang kumabig sina Aaron Gordon at Kentavious Caldwell-Pope ng tig-12 points para sa Nuggets.
Ang Denver ay natalo ng anim na sunod sa road laban sa Jazz at 15 sa huling 16.
Clippers 126,
Raptors 120
Nagbuhos si Kawhi Leonard ng 29 points at ipinagdiwang ang kanyang bagong three-year, $152.4 million contract extension nang gapiin ng Los Angeles Clippers ang bisitang Toronto Raptors.
Gumawa rin si Paul George ng 29 points at tumapos si Ivica Zubac na may 12 points at 11 rebounds para sa Clippers na umangat sa 16-3 magmula noong Disyembre.
Nagbuhos si James Harden, na ang pagdating sa isang trade mula sa Philadelphia 76ers noong Nobyembre ay nagresulta sa improved play ng Los Angeles, ng 14 points at 11 assists. Tumipa sina Norman Powell at Terance Mann ng tig-13 points.
Nagposte si Immanuel Quickley ng 25 points at nagdagdag si RJ Barrett ng 24 para sa Raptors na natalo ng dalawang sunod sa Los Angeles kasunod ng 132-131 pagkatalo sa Lakers noong Martes. Sina Quickley at Barrett ay kapwa nasa kanilang ika-6 na laro para sa Toronto matapos ang trade mula sa New York Knicks.
Nakakolekta si Dennis Schroder ng 22 points, habang umiskor sina Scottie Barnes at Gary Trent Jr. ng tig-12 para sa Raptors, na 3-3 magmula noong Enero matapos ang 1-5 stretch.
Pelicans 141,
Warriors 105
Pinangunahan ni Herbert Jones ang early barrage ng 3-pointers, gumawa si Jonas Valanciunas ng 21 points sa loob ng 21 minuto, at tinambakan ng New Orleans Pelicans ang Golden State Warriors sa San Francisco.
Tatlong araw makaraang lumamang ng hanggang 50 points at pataubin ang host Sacramento Kings, 133-100, nagpakawala ang Pelicans ng siyam na 3-pointers — tatlo mula kay Jones — sa 46-point first quarter na naglagay sa Warriors sa malaking butas, at hindi na sila nakarekober.
Si Zion Williamson ay kabilang sa walong Pelicans, kabilang ang lahat ng limang starters, na nasa double figures na may 19 points, upang tulungan ang New Orleans na lumagpas sa 140 points sa ikatlong pagkakataon ngayong season, ang lahat ay magmula noong aDec. 13.
Umiskor si Moses Moody ng 21 points mula sa bench para sa Warriors.