JAZZ RUMESBAK SA LAKERS

Jazz vs Lakers

SA PAGBABALIK nina  frontline players Rudy Gobert, Derrick Favors at  Mike Conley Jr. sa lineup, magaan na tinalo ng Utah Jazz ang host Los Angeles Lakers, 111-97, sa ikalawang sunod na matchup sa pagitan ng dalawang koponan noong Lunes.

Nagwagi ang  Lakers sa opener ng two-game set,  127-115, sa overtime noong Sabado.  Sa home win ng Jazz kontra Indiana Pacers noong Biyernes, minabuti ni Utah coach Quin Snyder na pagpahingahin ang tatlo sa kanyang regulars para sa unang matchup laban sa Lakers. Hindi nakapaglaro si high-scoring Jazz guard Donovan Mitchell sa parehong laro.

Hindi naghabol ang Jazz noong Lunes, kung saan maaga nitong nakontrol ang laro at umabante ng hanggang 25 points sa second half, ipinakita kung bakit sila ang lider sa Western Conference.

Nanguna si Jordan Clarkson para sa Jazz na may 22 points mula sa bench. Tumapos si Joe Ingles na may 21 points, habang nagdagdag sina Bojan Bogdanovic ng 19 points at Gobert ng  14 points at 10 rebounds.

Nagposte si Conley ng 14 points at 10 assists habang nag-ambag si teammate Royce O’Neale ng  13 points at 9  rebounds. Ang lahat ng limang starters ay tumapos sa double figures para sa Utah.

Nagbida si Talen Horton-Tucker para sa  Lakers na may career-high 24 points. Nakalikom si Kyle Kuzma ng 17 points, at kumamada sina Kentavious Caldwell-Pope at Dennis Schroder ng tig-15 points.

SUNS 128,

BUCKS 127

Naisalpak ni Devin Booker ang isang free throw, may  0.3 segundo ang nalalabi sa overtime, upang ihatid ang bisitang Phoenix Suns sa 128-127 panalo kontra Milwaukee Bucks.

Makaraang magpalitan ng tres sina Mikal Bridges ng Phoenix at Khris Middleton ng Milwaukee sa huling 30 segundo ng  OT upang ipuwersa ang 127-127 pagtatabla, nag-dribble si Booker sa perimeter at naghihintay na malibre para sa final shot.

Ang kanyang off-balance attempt ay nakakuha ng foul kay P.J. Tucker upang maisaayos ang  game-winning free throw sa una sa kanyang dalawang tira sa line.

Apat na  Suns players ang umiskor ng hindi bababa sa 20 points, sa pangunguna ni Booker na may 24. Nagdagdag ang star guard ng 7 points at 7  rebounds.

Gumawa si Phoenix’s Chris Paul ng 22 points at13 assists, umiskor si Bridges ng 21, at tumapos si Deandre Ayton na may 20 points at 13 rebounds. Apat sa mga puntos ni Ayton ay naitala sa krusyal na 12-2 run sa late fourth quarter na bumura sa 109-102 deficit ng Suns at naitala ang 114-111 lead.

NUGGETS 139,

GRIZZLIES 137

Nagbuhos si Nikola Jokic ng 47 points, 15 rebounds at 8 assists, umiskor si Will Barton ng 28, at humabol ang host Denver Nuggets upang maungusan ang Memphis Grizzlies, 139-137, sa double overtime.

Tumipa si Michael Porter Jr. ng 21 points, at nagdagdag sina JaMychal Green at Paul Millsap ng tig-12 mula sa bench at P.J. Dozier ng 10 para sa Denver.

Tumapos si Ja Morant finished na may  36 points at 12 assists, kumabig si Grayson Allen ng 24 at nakakolekta si Xavier Tillman ng 18 points at 14 rebounds para sa Memphis.

Kumamada si De’Anthony Melton ng  25 points mula sa bench makaraang lumiban ng walong laro, habang nagposte sina Kyle Anderson ng 11 points at John Konchar ng 10 para sa Grizzlies.

3 thoughts on “JAZZ RUMESBAK SA LAKERS”

  1. 841710 211804Hi there, just became aware of your weblog via Google, and located that its truly informative. Ill be grateful in case you continue this in future. Lots of folks will benefit from your writing. Cheers! 604551

Comments are closed.